Fresh episodes ng ‘Descendants of the Sun’ nina Dingdong at Jennylyn, mapapanood na ngayong gabi

ADVERTISING

MAGBABALIK na sa Primetime Block ng GMA-7 ang Philippine adaptation ng ‘Descendants of the Sun’ na pinagbibidahan nina Dingdong Dantes at Jennylyn Mercado with Rocco Nacino and Jasmine Curtis-Smith. Matatandaan na ongoing with high ratings ang programa nang maantala ang pagpapalabas nito dahil sa Covid-19 kung saan itinigil lahat ng TV and movie tapings habang naka-ECQ o Enhanced Community Quarantine ang Metro Manila.

Fresh episodes ng 'Descendants of the Sun' nina Dingdong at Jennylyn, mapapanood na ngayong gabi
Jennylyn Mercado and Dingdong Dantes in ‘Descendants of the Sun’

Dumaan sa two-week lock-in taping ang cast, staff and crew ng ‘Descendants of the Sun’ para matapos na lahat ng pending episodes ng programa na hango sa 2016 Korean Drama o KDrama na pinagbidahan nina Song Joong-Ki at Song Hye-Kyo. Naging mag-asawa in real-life ang dalawang original na bida, pero nauwi rin ito sa hiwalayan noong 2018.

ADVERTISING

Sa Pinas naman ay imposibleng magkadebelopan sina Dingding at Jennylyn. Happily married ang ating Big Boss kay Marian Rivera habang going strong naman ang relasyon ni Jennylyn sa longtime boyfriend na si Dennis Trillo.

Kahit ang second leads ng programa na sina Rocco Nacino at Jasmine Curtis-Smith ay may non-showbiz partners kaya kahit na malakas ang chemistry nila at tinututukan ang love story nila sa DOTS ay imposible sa ngayon na sila’y magkatuluyan. Malay mo, baka next year? Charot!

Fresh episodes ng 'Descendants of the Sun' nina Dingdong at Jennylyn, mapapanood na ngayong gabi
Rocco Nacino and Jasmine Curtis-Smith

Gusto mo bang mapanood ang lahat ng episodes ng DOTS non-stop? Ang good news ay pinickup ng Netflix Philippines ang Philippine version at mapapanood na ito simula November 15. O ‘diba, ang bongga lang ng comeback nila?

ADVERTISING

‘Descendants of the Sun’ replaces the month-long drama anthology show na ‘I Can See You’, kung saan lumabas si Jennylyn sa fourth week kasama sina Dennis Trillo at Rhian Ramos habang si Jasmien naman ay nakatambal ni Alden Richards sa first week nito.

Tutok na muli sa GMA Telebabad at sundan ang kuwento nina Lucas a.k.a. Big Boss at Dra. Maxine with fresh episode starting tonight at 9:20 PM!

ADVERTISING