Freddie Aguilar, gustong ampunin ang mga apo kay Maegan

Freddie Aguilar, gustong ampunin ang mga apo kay Maegan

Freddie-Aguilar-Maegan-Aguilar‘DI BA parang ang yucky ng dating ng bagong drama na naman ngayon ni Maegan Aguilar na may dyowang matanda?

Nakausap ng Startalk itong anak ni Freddie Aguilar at itinanggi niyang dyowa raw niya itong madalas niyang nakasasama na taga-banda rin.

Hindi naman daw ito 61 years old gaya nu’ng unang napabalita. 56 years old daw ito, pero hindi pa raw sila magdyowa.

May special relationship daw, pero hindi dyowa. Eh, ano naman kaya?

Nakakaloka nga dahil kontrang-kontra siya sa pakikipagrelasyon ng ama niya sa isang menor de edad, tapos siya naman sa halos kaedad ng papa niya.

Sabi ni Maegan, pinaghahandaan daw niya ang sarili niya para lumapit sa kanyang ama at makipag-ayos. Sa ngayon ay parang hindi pa raw siya ready, kaya naghihintay lang daw siya ng tamang panahon.

Gusto ring iparating ni Freddie na balak nilang mag-asawa na alagaan ang mga anak ni Maegan.

Nami-miss na raw ni Freddie ang mga apo niya, kaya gusto sana niyang ampunin na sila.

Ewan ko kung papayag si Maegan, pero siguro magkaayos muna silang mag-ama bago ‘yang ampon na drama na ‘yan, ‘no!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis