Freddie Aguilar, ayaw nang patulan ang anak

ADVERTISING

Freddie Aguilar, ayaw nang patulan ang anak

Freddie-AguilarIN FAIRNESS naman talaga kay Freddie Aguilar, hindi niya talaga pinatulan ang anak niya. Naikot na ni Maegan Aguilar ang halos lahat na programa para siraan ang ama niya, pero hindi talaga ito sinagot ni Ka Freddie.

Guest nga namin si Maegan sa Startalk kahapon, kaya sinikap naming kunan ng statement si Freddie, pero tumanggi itong magpa-interview.

Sinadya ito sa bar niya na Ka Freddie sa Malate, pero tumanggi siyang humarap sa kamera. Maayos naman niyang kinausap ang reporter namin na ayaw niyang patulan pa ang anak niya dahil kahit na anong mangyari, anak pa rin naman daw niya ito.

Nilinaw lang ni Freddie na hindi raw niya pinalayas ang anak niya. Kung pinalayas daw niya ito, sana nasa kalye na raw ang mga gamit nito.

ADVERTISING

Sabi raw ni Ka Freddie, nandu’n pa rin daw ang mga gamit ni Maegan at ng mga apo niya sa kuwarto nito. In tact pa rin daw roon at hindi raw nila ginalaw. Puwede raw balikan doon ni Maegan kung kailan niya gusto.

Kahit ano pang mga sinasabi ni Maegan, mahinahon pa rin si Freddie at hindi niya sinasagot ang anak niya.

Sana nga magkaayos din sila, at siguro dapat na maghanap na rin si Maegan at ang asawa niya ng trabaho para may pantustos sila sa mga anak nila, ‘di ba?

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING