Francis Magalona, has another family? *with photos*

ADVERTISING

Francis Magalona, has another family? *with photos*SABADO NG GABI nang matanggap ko ang isang text. Nagpapatanong kung ano ang reaksiyon ni Pia Magalona sa pagkalat ngayon ng isang e-mail na naglalaman ng mga larawan ng kanyang yumaong kabiyak na si Francis Magalona, kasama ang isang babaeng nagngangalang ‘Abegail’ at may pictures din ng invitation sa isang binyag (na idinaos noong umaga ng December 28, 2008) sa Kawit, Cavite. At pictures din na nagpapakitang may suot silang identical wedding rings.

Hindi ko pa nakikita ang pictures, nag-text na ako kay Pia, although alam ko na ang isasagot nito, na hindi nito papatulan ang kung anupang mga bagay na ganito.

ADVERTISING

‘Eto lang ang mga sagot ni Pia sa akin sa aming usapan sa text:

“No! You know me, I don’t need publicity so I don’t have a reaction. I have better things to do. Sobrang laki talaga ng effect ng pagsabi mo sa akin that ONE TIME in my 20s na tinawag mo akong REACT QUEEN. That was my turning point.

“I’ve heard of all of those things but won’t bother to see those pics, because they don’t prove anything. Best person to ask is FM (Francis Magalona). If anyone can get his reply then congrats to them.”

ADVERTISING

Nagtatawanan na nga lang kami ni Pia tungkol sa isyung ito. Sabi ko nga, bakit ngayon lang ilalabas ang mga ganitong klaseng bagay at ano ang motibo ng naglalabas?

Naisip ko tuloy ang minsang naikuwento sa akin ni Pia sa iba pang mga taong pilit na naninira sa nasirang Master Rapper, at marami pa sa kanila ang mga nagpapanggap at umaako na sila ang diumano eh, gumawa ng mga kanta nito. Parang from the same place rin.

At saka pictures ang nakita ko. Eh, hindi naman tayo basta-basta nagtitiwala at naniniwala sa mga pictures lang.

Nananahimik na si FM, ngayon naman may gusto pang guluhin at sirain ang magandang pangalang iniwan nito sa kanyang pagpanaw.

O, alam mo na Ms. Abegail, what you need to do kung mahahanap mo ang mga kasagutan kay FM? Kasi, ang late mo namang naglabas ng mga panggulat mo kuno. Wala na si FM. Ano pa? Baka naman may video ka ring gustong ikalat?

Tama si Pia, mas marami pang isyu na mas dapat na bigyang-pansin dito.

DAIG KA NI Ate Lolit (Solis) ko, ha? Kas ito, long-time confidante ng yumaong aktor na si Rudy Fernandez. Pero masasabing ang closeness nila eh, hanggang kamatayan.

Sa kasagsagan nga ng gulo sa pagitan nina Katrina Halili at Hayden Kho, maraming revealing na kuwento si Ate Lolit.

At bago sumalang sa Senado si Katrina, naikuwento pa ni Ate Lolit sa press conference ni Sarah Geronimo (sa launching ng Philippine Tour nito sa kanyang mga darating na concerts simula sa June 12 sa Lipa, Batangas), na napanaginipan niya si Daboy.

“Alam n’yo naman ang pagkatsismoso ni Daboy. ‘Di ba? Lalo na ‘pag may mga malalaking issues sa showbiz. At sa panaginip ko, ang tinatanong nito eh, ‘yung tungkol sa sex video at kung sinu-sino pa ‘yung ibang mga babae du’n. Sagot naman daw ako sa panaginip.”

Nakapagbiro pa nga raw sa panaginip niya si Ate Lolit na walang video  du’n si Osang (Rosanna Roces).

The Pillar
by Pilar Mateo

ADVERTISING