Francine Prieto, nilait si Mike Enriquez?

ADVERTISING

Francine Prieto, nilait si Mike Enriquez?

Francine-PrietoMATAPANG PERO rude itong si Francine Prieto. Nabasa namin ang maanghang niyang post sa Twitter account niya which was posted by a popular website. It seems that Francine was explaining kung bakit tila nahuhuli na siya sa biyahe, kung bakit until now ay hindi pa siya nag-aasawa.

“Bakit daw hindi pa ako nag-aasawa? Wala naman kasi akong aasawahin, wala eh.

“Hindi naman puwedeng kahit sino na lang. Ayoko namang kasing panget ni Mike Enriquez paano kung sa kanya magmana anak ko? Kawawa naman ‘yung bata.”

‘Yan ang aria ng laos na bold star. It was blunt, straight to the point and RUDE. Pero on second thoughts, meron namang katotohanan, ‘yun nga lang medyo masakit sa tenga. To us, it was an INCONVENIENT TRUTH. Not surprisingly, lait ang inabot ni Francine. Masyado kasing malakas ang dating ng kanyang litanya, medyo masakit sa tenga.

ADVERTISING

“For someone who has kapintasan too, masyadong rude po ata. Papayat ka na nga din Francine para may magpakasal sayo. Try mo,” one maka-Mike Enriquez said.

“Magpaka-controversial para mapag-usapan naman daw,” ang paniwala naman ng isa.

“How rude. You really cannot buy class,” opinion ng isang guy.

“Tag gutom na si ate kaya mega lait ke mike enriquez para mapansin…pustahan magpapabibterview yan para humingi kuno ng sorry at aarteng santa santita yan…hahahah pwe!” said one fan.

“ang mataba pwedeng magpapayat! ang panget kht magparetoke ang mga anak mgging panget pa rin!” depensa naman ng isang guy kay Francine.

Aray ko!!! Anyway, hinanap namin ang tweet na ‘yon ni Francine about Mike pero burado na ito.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING