Francine Prieto, nangangailangan ng driver na ‘di matakaw

ADVERTISING

Francine Prieto, nangangailangan ng driver na ‘di matakaw

Francine-PrietoWANTED: DRIVER, pero hindi matakaw.

ADVERTISING

Isang kumpare namin in search of a job bilang driver ang gusto sanang mag-apply sa empleyo ni Francine Prieto. Nagulat nga lang daw siya na maging sa Facebook page nito ay ‘yun ang tila pangunahing kwalipikasyon para matanggap.

Ang lagay pala, kinukuwenta ni Francine ang ipinakakain niya sa suwelduhang driver? Hindi naman kaya ginugutom niya ito, at pag-upo sa hapag-kainan ay parang PG ito?

Hindi ba’t ang dapat na maging pamantayan ni Francine sa paghahanap ng driver ay ‘yung maingat sa manibela, hindi naglalasing, hindi mainitin ang ulo, at hindi kaskasero?

ADVERTISING

Dapat pa nga ay busog ang driver ni Francine. Imagine if her driver is hungry, hilo ito sa pagmamaneho at malamang sa hindi, may kalalagyan si Francine!

 

WHAT’S IN a tandem? Perhaps a lot.

For the sake of fun ay nirambol namin ang pairings ng mga magsisitakbong Presidente at VP with a mix-up of their parties:

PoeNasan (Grace Poe-Gringo Honasan whose slogan is to wipe off the dirt in Philippine politics) or puwede ring GraGo pero pangit pakinggan;

GraNny (Grace-Lenny Robredo, pero mga lola lang ba ang boboto sa kanila?) or PoeNy, pero makatakbo kaya ang tambalang ito nang mabilis?

JoFran (Jojo Binay-Francis Escudero, pero banana catsup ang dating: angkop ba for a Banana Republic?);

Almost sound-alike ang Jo-Len (Jojo-Lenny) at JoLan (Jojo-Allan Peter Cayetano), both will only cause confusion among the voters;

MiGring (Miriam Santiago-Gringo, pero parang kapangalan lang ng tsismosang kapit-bahay n’yo or GoGo (Santiago-Gringo);

‘Eto ang da height ng inuulit: MarMar (Mar Roxas-Bongbong Marcos).

After all, history repeats itself so does the state of a nation which has not risen above its ills, sinuman ang manungkulan!

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

ADVERTISING