Francine Prieto, naghahanap ng taong magpapahiram ng pera

ADVERTISING

Francine Prieto, naghahanap ng taong magpapahiram ng pera

Francine-Prieto Francine-PrietoILAN SA mga artista ay sa social media nila ibinubulalas ang kanilang saloobin, tulad nina Sharon Cuneta at Francine Prieto. Kung si Shawie ay nasasaktan sa natatanggap niya mula sa mga basher niya, humihingi naman ng tiwala si Francine sa mga tao na puwedeng magpahiram sa kanya ng pera para makapagsimula ng bagong buhay sa pagpasok  ng Bagong Taon.

ADVERTISING

Frustrated si Francine sa kanyang showbiz career kaya nagpa-plano na siyang mag-migrate sa America para roon na lang magtrabaho. Masipag siyang mag-post sa social media ng mga update at frustration niya sa buhay kaya open book na sa lahat ang kanyang buhay.

Sa ngayon, naghahanap si Francine ng tao na magpapahiram sa kanya ng pera na walang kapalit na collateral, maliban sa tiwala. Nangangako naman siya na babayaran niya ito sa June 2014.

Dalangin ng sexy actress na may taong magtiwala sa kanya na magpahiram para hindi na siya makipagsapalaran sa ibang bansa para makapagsimula muli.

ADVERTISING

Magaling na actress si Francine at kung mabibigyan lang siya ng right project ay siguradong magkli-klik.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING