Francheska Farr, nagpaplanong lumipat ng network?

Francheska Farr, nagpaplanong lumipat ng network?

Frencheska-FarrISA SA mga talent ng GMA Artist Center ang magtatapos na ang kontrata ngayong taon, siya ay si Francheska Farr na mag-e-expire ang contract sa September 2015. Naging talent siya ng Artist Center nang tanghalin siyang winner sa Are You The Next Big Star in 2009.

When asked kung lilipat ba siya ng network matapos ang kanyang kontrata, sa ngayon ay hindi pa raw niya iniisip kung ano ang magiging plano. Matagal pa naman daw ‘yun. Hihintayin pa raw niya ang magiging project niya sa network.

Wala naman daw siyang masasabing against GMA 7. Binigyan naman siya ng pagkakataon na maging recording artist at isinasama sa mga teleserye.

Aside sa mga teleseryeng isinasama siya. Sa kanya rin pinakakanta ang theme song ng iba’t ibang teleserye at kasama pa rin siya sa Sunday show ng network.

Nasa network na raw ang desisyon kung papipirmahin pa siya ulit ng panibagong kontrata pagkatapos ng anim na taon.

“Kung gusto nila akong i-renew, walang magiging problema. Ikatutuwa ko po. Kung nag-decide naman po sila na hindi na ako papirmahin ulit, maiintindihan ko naman po ‘yon,” say ni Francheska na lalong gumanda at sumeksi.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo