Fourth at Fifth, pasok sa bagong teleserye

ADVERTISING

Fourth at Fifth, pasok sa bagong teleserye

Fourth-Solomon-Fifth-SolomonMULA NANG ma-evict sa Pinoy Big Brother All In ang magkapatid na Solomon (Fourth and Fifth), naging by-word na sila ng kabataan. Pero sa totoo lang, nalilito ako sa kanilang dalawa kung sino si Fourth at kung sino si Fifth.

Tumatak sa kamalayan ko si Fifth nang aminin niya on national television na bisexual siya na for us there is nothing wrong as long as matinong tao at mamamayan ka. Gago at tarantado ka kahit bakla ka kung pasaway ka naman at bastos sa ‘yong magulang.

Mula sa isang event sa ELJ, nakasabay ko ang magkapatid sa elevator. Namamalik-mata ako kung papaano ko ma-identify sila sa isa’t isa kung hindi sila magsasalita. Basehan ko kasi ay ang pagbe-babytalk at mga “aaahhh” expression ni Fifth kaya makikilala ko siya (napanood ko ang guesting nila sa Gandang Gabi Vice; pero si Fourth, siya yata ‘yong mas malalim ang dimples or mas stronger ang features.

Sa first project nila after PBB All In, ang bagong teleseryeng Nathaniel (na balita ko ay pamalit sa one season lang na Hawak Kamay nina Piolo Pascual at Iza Calzado), masusubukan kung sino sa magkapatid ang mas magaling umarte gayong ito ang biggest break nila since nagsimula silang maghanap ng kapalaran sa showbiz even before PBB.

ADVERTISING

Based on my first impression, tila mas magaling si Fourth bilang artista. Pero mas mamahalin ko si Fifth dahil sa pag-amin niya ng kanyang seksuwalidad.

Alam n’yo naman ako, love ko ang mga open, prangka at walang kiyemeng mga tao.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING