Four Dimensions, sandamakmak ang shows

ADVERTISING

Four Dimensions, sandamakmak ang shows

Four Dimensions
Four Dimensions

Kasabay ng pagpapalit ng pangalan ang pagpapalit ng miyembro ng grupo ng Detour na ngayon kilala na bilang Four Dimensions at kinabibilangan nina JC Cruz at Allan Santarin at ng mga bagong dagdag na sina Harvee Olaez at AJ Ledesma.
Isa raw sa dahilan ng pagpapalit ng pangalan ng Detour ay, “Actually noon pa nu’ng buhay pa si Tatay Germs, sinabihan na niya kami na hindi maganda ‘yung name ng group namin. And nararamdaman naman namin na medyo mabigat ‘yung name ng group namin.
“Kaya lang that time, may pino-promote kaming song and may “Walang Tulugan” pa noon kaya hindi kami nakapagpalit ng pangalan.
“Pero nu’ng nawala na ‘yung “Walang Tulugan” at nabawasan kami ng member, doon na kami nag-decide na ibahin ‘yung name,” ayon kay JC.
“At naisip nga namin na Four Dimensions para positibo at maganda pakinggan. And tamang-tama, may bago kaming members.
“Hopefully sa bago naming name, mas maging maganda ‘yung takbo ng career namin,” dagdag pa ng leader ng grupo na si Allan.

At sa bagong pangalan ng grupo, sunud-sunod ang shows nito like sa August 13, Robinson’s Pulilan, Bulacan; August 20, Ever Commonwealth; August 24, Zirkoh Tomas Morato for The Voices Concert with X Factor Israel Rose “Osang” Fostanes, X Factor USA Angel Bonilla and Michael Pangilinan; August 28, P-Pop Boy Groups On Tour, Starmall Alabang; August 30, Farmers Plaza Event; September 2, Jefz Café; at September 24, Charity Event, Pasig Sports Complex.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING