‘FOUL’: Barbie Imperial, umalma sa kuwento ni Diego Loyzaga

ILANG buwan na rin hiwalay ang dating sweet lovebirds na sina Diego Loyzaga at Barbie Imperial. Noong una ay wala rin bitterness na naririnig sa dalawa at sinabi rin nila na maayos ang kanilang paghihiwalay.

Pero nag-iba ‘ata ang ihip ng hangin kamakailan. Sa isang panayam diumano kay Diego Loyzaga two weeks ago ay may mga nasabi ito na ayon kay Barbie ay hindi totoo.

'FOUL': Barbie Imperial, umalma sa kuwento ni Diego Loyzaga
Barbie Imperial and Diego Loyzaga

Sa kanyang Instagram story ay ibinahagi ng dalaga ang snippet mula sa panayam kay Diego Loyzaga ng MonsterRX93.1.

Sa panayam ay ikwinento ni Diego na tinanong daw nito si Barbie kung naniniwala ito na nagcheat ito habang sila ay magkarelasyon pa.

“I can happily sit on this chair and say I never cheated on Barbie. She knows that,” sagot ni Diego sa interviewer.

“I saw her two weeks ago at a club and I said to her, ‘B after everything we went through, you really do know that I never cheated on you. And she’s like, ‘Yeah I know, I know.’ ‘Despite all the stories, are you sure you believe me when I say are you sure you believe me when I say I never cheated on you because I hear stories that you believe that?’ And she’s like, ‘No Diegs, I know, I know,’”  dagdag pa ng binata.

Ang kaso, mukhang hindi agree si Barbie!

“Never said anything bad after the break up. But I think telling people I said something I didn’t say is foul.” pag-alma ni Barbie.

'FOUL': Barbie Imperial, umalma sa kuwento ni Diego Loyzaga
Diego Loyzaga and Barbie Imperial

Nag-umpisa bilang magkaibigan sina Diego at Barbie bago sila naging magka-ibigan. Tumagal ng isang taon ang kanilang relasyon.

On the same interview ay nagkuwento rin si Diego tungkol sa pagsubok nila ni Barbie na magkabalikan muli.

“When I came back from the States, we had that viral photo of us eating at a restaurant. We had closure there. We discussed ‘yung what happened while you’re away, or what did you do here while I was away. Kaya pa ba natin or hindi? We tried to see if kaya pa ba natin. Hindi pa rin eh,” kuwento ng binata.

Previous articleMOVING ON: Jake Cuenca, lumipat na sa bagong tirahan
Next articleVLOG WATCH: Angel Locsin’s Caliraya Lake House!