Former beauty queen/ TV host, pulos talbog ang tsekeng ibinayad sa pinagkakautangan!

ISANG TUMATALBOG NA blind item ang ibibigay namin sa inyo. Ang bida ay ang isang former beauty queen cum TV host na nag-isyu ng tsekeng talbog sa isang negosyante. Ang tsika ay bumili o umutang ng signature bag ang bida natin, tumataginting na 90k ang persyo ng bag at nagkaayos sila na three gives ang magiging bayaran.

Bale 30k kada hulog. Kaso ang nakakalokah, ‘yung dalawang tsekeng inisyu ay nagdribol, dalawang tseke ang nag-bouncing na nagkakahalag ng 60k. Kaya hayun at nalokah ang negosyante.

Mabuti na lamang at mabait ang nasabing alahera kaya pinagbigyan niya ang promise na pagbabayad.

Sana naman paglabas ng tsikang ito ay okey na ang payment ng former beauty queen cum TV host.

O, gets n’yo na ba kung sino siya?

Naku! Ano kaya’ng masasabi ng kanyang boyfriend?

(By Fernan de Guzman)

Previous articlePamintang singer, nag-spaghetti pataas-pababa sa isang club!
Next articleAnniversary celebration ng show ni Willie Revillame, 6 na oras tumagal!

No posts to display