Flawless at guwapong aktor, ‘I am pogay’?

ADVERTISING

BLIND ITEM: Iniintriga ngayon ang isang flwless at guwapong aktor na isang “beki” na rin, dahil una, ang hilig-hilig daw mag-post ng selfie sa Instagram. Pangalawa, nagbakasyon daw ito abroad na panay pa rin ang selfie, pero tila me kasamang nag-abroad. Pero sa mga pictures daw ay hindi ipinapakita ang kasama nito.

“Kung babae ‘yon at girlfriend niya, ‘di ba, ipagmamalaki niya ‘yon? After all, hindi naman na siya matinee idol para ‘wag amining me karelasyon siyang girl, ‘di ba? Pero ang tsismis, ang kasama daw niya ay pamhinta ring may-ari ng isang call center.” Ito raw ang dyowa ngayon ng flawless actor.

So ito nga ba ang sumagot ng trip na ‘yon na saglit lang, dahi me taping pa nga siya ng isang teleseryeng panggabi?

Oh, well… ayaw naman naming husgahan ang aktor. Malay naman natin at ‘yun ay talagang ka-close lang niya. At parang hindi ko naman yata naaamoy na me pagka-bading ang aktor na ito. So ibig sabihin, hindi pa siya legal gay.

By Ogie Diaz

ADVERTISING
ADVERTISING