Flavors of the month ni gay TV exec, nagkakaselosan na?! – Archie de Calma

Flavors of the month ni gay TV exec, nagkakaselosan na?! - Archie de Calma

Flavors of the month ni gay TV exec, nagkakaselosan na?! - Archie de CalmaKAPANSIN-PANSIN ANG PAGLAKI ng katawan ni Christian Bautista these days. Inamin naman niyang since February of 2009, humahataw na siya sa gym.

May balak palang mag-full blast si Christian sa pelikula. Mukhang tapos na kasi ang phase na na-establish na niya ang kanyang pagiging singer. Ang kanyang “Romance Revisited” album, compilation ng sarili niyang versions ng hits ni Jose Mari Chan ay bumebenta nang husto at maging sa ibang bansa, gaya ng Indonesia at Singapore, at may clamor for Christian para sa personal appearances dahil hit ang bagong album niya sa mga bansang ‘yun.

Ngayon, pinaghahandaan ni Christan ang acting.

Puwedeng sa TV o pelikula. Nakagawa na siya ng movie noon, ang Mano Po 5, but he feels, hindi pa siya handa roon. Hindi lang physically, gusto ni Christian na mag-undergo ng acting workshops on TV and film dahil mas bihasa na siya sa teatro.

Wala sa balak niya sa 2010 ang makipagbalikan kay Rachelle Ann Go kahit split na ito with Gab Valenciano. Mas nakatutok si Christian sa career niya ngayon at wala sa plano ang love.

Part ng CD recording na “Kaya Natin Ito!” si Christian, kasama ang more than 30 recording artists, na magpa-participate din sa isang fund-raising concert para sa Typhoon Ondoy and Pepeng victims, na gaganapin sa December 5 sa SM Mall of Asia.

BLIND ITEM: NAGKAKASELOSAN na pala sa loob ng harem of boys ng isang gay TV executive. Patuloy na nagkakaroon ng flavor of the month ang gay exec, at marami rin kasing kumakagat sa ganyang sistema.

Nalaman ng isang singer-actor ang pagkahaling ng gay exec sa isang actor-model. Naikuwento pa ng isang comedian, na kasama ng actor-model sa isang sitcom, na nagulat siyang matanaw sa kalayuan ang actor-model na ang ka-meet pala sa isang condo unit ay ang gay exec. Inilihim pa ni actor-model sa kaibigang comedian kung sino ang pakay nila sa condo building na pinuntahan, at nakita niya accidentally ang pagkikita roon ng actor-model at ng gay exec.

‘Yung singer-actor ay mukhang nakababalik sa sirkulasyon, nagbalik sa workouts niya sa gym at panghada na naman ang porma. Nakipag-split din ito sa dyowa niya kaya nabalik for a while ang atensiyon ng gay exec sa kanya.

Kaso, so many men, so little time, ang drama ni gay exec, huh! Ngayon, may inaaswang na naman daw ito na isang aktor-aktoran na hindi umaarangkada ang career noon hanggang magpatiwakal na lang ang dati nitong manager.

Ngayon, nagbabalik ang aktor-aktoran at mukhang nabibigyan ng ilusyon na sisikat na siya this time. Siya ang apple of the eye ng TV exec, at hindi na kami magtataka kung kaliwa’t kanan na ang exposures nito.

Calm Ever
Archie de Calma