Firts birthday celebration ng twins ni Joel Cruz, star-studded

ADVERTISING

Firts birthday celebration ng twins ni Joel Cruz, star-studded

Joel Cruz with his twins Prince Harry and Prince Harvey
Joel Cruz with his twins Prince Harry and Prince Harvey

Engrande ang naging selebrasyon ng unang kaarawan ng kambal na anak ng Lord of Scents Joel Cruz na sina Prince Harry at Prince Harvey na ginanap sa Grand Ballroom ng Solaire Hotel na may temang “Disney” at “It’s a Small World” last October 23.

Nag-enjoy ang mga batang dumalo sa games and prizes. Nagkaroon din ang mga ito, kasama ang kanilang pamilya, ng pagkakataong makapagpalitrato sa Disney Characters tulad nina Winnie The Pooh, Olaf (Frozen) at Woody (Toy Story).

Dumalo ang celebrities na Jolina Magdangal at Mark Escueta kasama ang kanilang anak na si Pele, vice governor at actress na si Andrea Del Rosario, Jamie Rivera, Aficionado endorsers Bugoy Cariño, Xyriel Manabat, at Jason Abalos kasama ang girlfriend na si Vicky Rushton.

Nandoon din ang inaanak sa kasal ni Joel na sina Melai Cantiveros at Jason Francisco kasama si Baby Mela, ang inaanak sa binyag na si Andrea Brillantes.

ADVERTISING

Dumalo rin sa selebrasyon ang mag-amang Niño at Alonzo Muhlach na naka-costume ng R2D2.

Nagdagdag ng kasiyahan ang pagrampa ng ga Disney princesses and ilang Disney characters.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING