FIRST TIME NG MAG-AMA: Joey and Winwyn Marquez, magkasama sa pelikulang ‘Unli Life’

ADVERTISING

FIRST TIME NG MAG-AMA: Joey and Winwyn Marquez, magkasama sa pelikulang 'Unli Life'

FIRST TIME NG MAG-AMA: Joey and Winwyn Marquez, magkasama sa pelikulang 'Unli Life'
Winwyn Marquez

MAGKASAMA ang beauty queen na si Winwyn Marquez at ang komedyante na si Vhong Navarro sa kakaibang comedy film na produced ng Regal Films na “Unli Life” para sa darating na all-Filipino film festival na Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) na isa sa mga projects ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa pamumuno ni Chairperson Liza Dino.

ADVERTISING

First time makaka-work ng beauty queen ang amang komedyante na si Joey Marquez. Sa katunayan, pina-plan na ang schedules ng promo na gagawin nila sa mga mall tour at mga television and radio shows.

Sey ng dalaga: “We’re going to do promos already and we’re talking about the schedules. And kasama ko yung dad ko at si Vhong,” kuwento ni Winwyn. Pero magkasama man sila sa pagpo-promote ng Unli Life ay ironic naman para sa mag-ama dahil never pala sila nagka-eksena sa pelikula.

FIRST TIME NG MAG-AMA: Joey and Winwyn Marquez, magkasama sa pelikulang 'Unli Life'
Vhong Navarro & Winwyn Marquez in ‘Unli Life’

“Sayang nga e. Wala kahit isang short scene. Pero magba-bonding kami during our promo schedules,” pagmamalaki pa ng dalaga.

ADVERTISING

Sa pelikula ay makakasama din nila sina Ejay Falcon, Jon Lucas at ang komedyante na si Alex Calleja mula sa direksyon ni Miko Livelo.

 

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING