First teleserye ni Teejay Marquez sa Indonesia, eere na sa July

ADVERTISING

First teleserye ni Teejay Marquez sa Indonesia, eere na sa July

Teejay Marquez
Teejay Marquez

Sa July na magsisimulang mapanood sa Indonesia ang kauna-unahang teleseryeng ginawa ng Pinoy Indonesian Star na si Teejay Marquez.
Excited na nga si Teejay Marquez sa pagpapalabas nito lalo na’t isa siya sa bida sa nasabing teleserye. Role daw ng isang Pinoy-Indonesian na lumaki sa America na muling babalik sa kanyang sinilangang bayan ang gagampapanan nito.
Napasabak nga raw si Teejay sa pagba-Bahasa, dahil most of the lines niya rito ay Bahasa, kaya naman daw continious ang pag-aaral nito ng Bahasa language.
Bukod pa nga sa nasabing serye ay busy ito sa pictorial para sa mga magazines doon at guestings sa iba’t ibang shows sa Indonesia.
Nagpalasalamat nga ito sa kanyang mga Indonesian fans dahil sa suporta ng mga ito sa matagumpay na pagpapalabas ng kanyang first blockbuster movie dito na “Dubsmash The Movie “.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING