First shooting day ng bagong pelikula, naudlot
Vice Ganda, isinugod daw sa ospital!

ADVERTISING

<i>First shooting day ng bagong pelikula, naudlot</i><br>Vice Ganda, isinugod daw sa ospital!

<i>First shooting day ng bagong pelikula, naudlot</i><br>Vice Ganda, isinugod daw sa ospital!EXCITED PA naman si Direk Wenn Deramas sa first shooting nila nina Vice Ganda, Gabby Concepcion at Maricel Soriano para sa pelikulang Girl, Boy, Bakla, Tomboy, na naka-schedule sana on February 12. Pero naudlot, kaya’t wala pang- shooting schedule dahil hindi nakarating si Vice sa story conference, isinugod pala ito sa hospital. Hindi malinaw kung ano ang dahilan ng kanyang pagkakasakit. Pero nilinaw ng aming kausap na okay na ang kalagayan ng komedyante, kailangan lang daw nito ang pahinga.

Habang hinihintay ang availability ni Vice, pinaplantsang maigi ni Direk Wenn ang magiging takbo ng kanyang istorya. Inamin ng box-office director na maganda ang pasok ng 2013 para sa kanya. Siniguro nito riot sa katatawanan ang mga eksena nina Maricel at Vice bilang mag-ina. Maging si Gabby, mapapasabak na rin sa comedy.

“Aaminin ko, fan ako ni Maria, nasubaybayan ko ang mga pelikulang ginawa niya. Para siyang Nida Blanca, kahit saan mo ilagay, mapa-comedy/ drama, nagagampanan niya nang tama plus mahusay pa siyang magsayaw,”say ni Direk Wenn.

After the big success ng Kahit Puso’y Masugatan, kailan kaya ang susunod niyang teleserye sa Kapamilya Network?

ADVERTISING

“Definitely, may gagawin uli akong soap, hindi pa ngayon. Kailangang tapusin ko muna itong bago kong pelikula sa Star Cinema at Viva Films. Siyempre, drama para balance, comedy ako sa pelikula, drama naman sa telebisyon,” aniya.

 

PALIBHASA PALUNG-PALO sa masang manonood ang teleseryeng Kailangan Ko’y Ikaw nina Robin Padilla, Kris Aquino at Anne Curtis kaya’t marami ang nag-react nang mag-emote si Mariel Rodriguez sa kanyang twitter account na may selos factor siyang nararamdaman sa mga romantic moment nina Robin at Kris. Effective ang dalawa bilang married couple, lagyan pa ni Direk Joyce Bernal ng passionate kissing scene ang dating mag-lover sa simbahan hanggang sa honeymoon nila sa Boracay. Kaya ‘yun, biglang kinurot ang puso ni Mariel.

Natural lamang na may ganu’ng reaction si Mariel kahit alam nitong trabaho lang ‘yun at wala siyang dapat ipag-alala dahil misis na siya ni Robin. Alam kasi ng TV host na naging mag-dyowa noon sina Robin at Kris. Nagpakatotoo lamang si Mariel sa tunay niyang nararamdaman, pero nilinaw nitong walang malisya o ibig ipakahulugan ang sinulat niya sa kanyang Twitter account.

Tuloy, sinasabihan si Mariel na kulang sa pansin (KSP) kaya’t nagpapa-controversial para pag-usapan. Walang dahilan para gawin niya ito, wala naman siyang soap o pelikulang ginagawa. Hindi kailangan nitong mag- ingay para i-promote ang serye ni Robin dahil tinututukan na ito ng publiko plus the fact, ang taas ang rating nito. Maganda kasi ang takbo ng istorya, mabilis ang facing at mahuhusay ang mga artistang nagsisiganap.

Iniintriga ngayon si Mariel pero deadma lang ito sa mga issue na ibinabato sa kanya. Inimbitahan pala siya ni Kristeta na bumisita sa taping pero tumanggi ito. Baka lalo lamang maintriga at bigyang kulay kung sakaling pagbigyan niya ang kahilingan ng TV host-actress. Baka sabihin, binabantayan niya si Binoe habang nagtratrabaho ang asawa.

 AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING