First leg ng “P-Pop Boy Groups on Tour”, dinumog ng fans

First leg ng “P-Pop Boy Groups on Tour”, dinumog ng fans

P-Pop-Boys On Tour
P-Pop-Boys On Tour

Very successful ang katatapos na “P-Pop Boy Groups on Tour” na ginanap last May 28 sa Starmall Las Piñas na hatid ng Cardams, UniSilver Time, Aura Soap,Ysa Skin and Body Experts, Aficionado Germany Perfume, Omizu Beautifying Natural Spring Water, New Placenta, at Starmall Las Piñas.
Bukod sa electrifying performances mula sa grupong X3M, Generation 6, Voyztrack, Detour, Fab4z, 6IX Degrees, at Maximum Movers, nagbigay ng espesyal na performance ang Internet Sensation na si Chesther Chua at ang singer/ actor na si Ron Mclean.

Nagkaroon din ng game at raffle draw, kung saan ang mga masuwerteng nanalo ay tumanggap ng Note Books and diamond earrings mula sa Cardams, mugs and watch mula sa UniSilver Time, P1,000 gift certificate and Ysa Products mula sa Ysa Skin and Body Experts, Aura Soap, New Placenta Soap, at pabango mula sa Aficionado Germany Perfume.
Umuwing nakangiti at masayang-masaya ang lahat ng mga nanood ng “P-Pop Boy Groups On Tour”, dahil bukod sa nakita ng mga ito ang kanilang iniidolong boy groups at may mga prizes pa silang naiuwi.

John’s Point
by John Fontanilla