Finalist ng “Romania Got Talent” na si Resciebelle Santiago, nasa bansa

ADVERTISING

Finalist ng “Romania Got Talent” na si Resciebelle Santiago, nasa bansa

Resciebelle Santiago
Resciebelle Santiago

Nasa bansa ngayon at nagbabakasyon ang mahusay na singer at naging finalist sa katatapos na “Romania Got Talent na si Resciebelle  Santiago.
Malaki nga raw ang naging pagbabago sa buhay nito nang maging finalist ng sa nasabing talent show.

“Marami po, like dumami ‘yung followers ko sa social media, maraming opportunities na dumarating like recording contract, shows, and guesting sa TV shows sa Romania.
“At ngayon po, nakapirma na ako sa pinakamalaking recording company sa Romania, kasosyo po nila ‘yung Sony Music.
“I just recorded my first single, ang title niya, “Fighter”. Bale single muna ‘yung ipo-promote ko, and then album na. Bale sa Romania muna, tapos iri-release siya international.
“‘Yung album ko, puro English song siya and Romanian song, kasi may mga Romanian singer na gustong makipag-collaborate sa akin ng kanta.”

Isa nga raw sa pinag-aaralan ngayon ni Resciebelle ang pagko-compose ng kanta.

“I tried. ‘Yun nga ang sinasabi nila sa akin na kailangan kong mag-compose ng sarili kong kanta. Kasi maganda raw po if I am the composer of my song.
“Kung papalarin ako at gugustuhin ni God, gusto ko ring magkaroon ng sariling concert dito sa Pilipinas at sa Romania at sa buong Europe.”
At habang nasa bansa nga si Rescieblle, maggi-guest ito sa iba’t ibang shows sa telebisyon at radio stations at nauna na nga itong nag-guest sa “Walang Siyesta” ng DZBB 594.

ADVERTISING

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING