FINAL NA: FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin, magtatapos na

SABI NILA, all good things must come to an end. Hindi exempted dito si Cardo Dalisay na karakter na ginagampanan ni Coco Martin sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Sa loob ng pitong taon ay kinapitan ng mga manonood ang kuwento ni Cardo Dalisay at ang sandamakmak na artistang naging parte ng programa. Taon-taon din napapabalita na magtatapos na ito, pero ngayon ay mismong si Coco Martin na ang nagkumpirma na nasa last three weeks na lang ang isa sa most loved teleseryes on Philippine TV.

FINAL NA: FPJ's Ang Probinsyano ni Coco Martin, magtatapos na
Coco Martin

Mga Ka-Probinsyano, dumating na po ang oras. Ang programang minahal ninyo ng pitong taon ay nalalapit na po ang pagtatapos.

“Malungkot man na tayo ay maghihiwalay pero walang hanggang pagpapasalamat ang aming nararamdaman. Nagbago man ang mundo, nandiyan pa rin kayo.

“Kahit man po matapos ang teleseryeng ito, hinding-hindi matatapos ang pagmamahal namin sa inyo.

“Kaya kapit lang sa huling tatlong linggo, ito po ang FPJ’s Ang Probinsyano: Ang Pambansang Pagtatapos.” saad ni Coco Martin.

Kahit na malungkot ang mga tagasubaybay ng programa, no need to fret dahil papalit dito ang Mars Ravelo’s Darna na ilang taon din hinintay ng mga fans ang kanyang paglipad sa Kapamilya network. Ito ay pagbibidahan ni Jane De Leon kung saan may special appearance si Iza Calzado bilang Darna. Ito rin ang magsisilbing comeback project ni Janella Salvador na gaganap bilang Valentina.

Sinu-sino ang mga stand-out characters sa FPJ’s Ang Probinsyano para sa inyo?

Previous articleJake Cuenca, walang pinanghihinayangan sa failed relationships niya
Next articleElla Cruz, sinagot ang ‘history is chismis’ controversy; may mensahe kina Pokwang at Agot Isidro