Filipino-American singer Olivia Rodrigo magkakaroon ng libreng ‘Sour Prom’ online concert sa June 30

FAN KA BA ng rising international teen singer na si Olivia Rodrigo? Well, may good news kami para sa inyo!

Dahil sa tagumpay ng kanyang bagong album na SOUR na may hit singles na ‘Driver’s License’ at ‘Good 4 U’, isang libreng online concert ang handog ng dalaga para sa kanyang mga tagahanga all over the world sa darating na June 30 at 11 AM (Philippine Time) sa kanyang official YouTube channel.

Filipino-American singer Olivia Rodrigo magkakaroon ng libreng 'Sour Prom' online concert sa June 30
SOUR by Olivia Rodrigo

Titled ‘SOUR Prom‘, ipapa-experience ni Olivia Rodrigo in her own way ang prom party na unfortunately ay hindi mararanasan ng karamihan sa mga dapat na magpa-prom ngayong taon. Maliban sa ‘ultimate prom experience’ ay kakantahin pa ng dalaga ang mga awiting kasama sa kanyang SOUR album.

Ayon sa YouTube, magkakaroon ng 30 minute pre-party streaming bago ang main event. Dito magkakaroon ng oportunidad ang mga fans na magpadala ng kanilang katanungan na sasagutin ng dalaga. Malay mo, baka mapili pa niya ang iyong tanong, ‘diba?

Maglalabas din ng SOUR Prom merchandise na magsisilbing remembrance para sa mga attendees nito.

Ang SOUR album ni Olivia Rodrigo ay nag-debut na #1 sa Billboard 200 at nabreak ang record para sa biggest opening week for an album by a female artist in Spotify history with over 385 million streams. Bongga, ‘diba? Walang dahilan para magmaasim sa huli! Hi-hi-hi!