Fil-Aussie singer James Wright, lapitin ng bading

Fil-Aussie singer James Wright, lapitin ng bading

James-WrightLAPITIN NG bading ang Fil-Australian singer na si James Wright na mina-manage ng E-Talent Management ni Annabelle Regalado at ng GMA Records. Palibhasa’y guwapo at malakas ang screen presence kaya madalas siyang ma-crush-an ng mga beki, huh!

Kanasa-nasa rin ang music video ng kanyang latest single na Ikaw ‘Yon na si Jeffrey Hidalgo ang nagdirek. May shower scene pa siya rito na naka-topless. Ang sumulat ng Ikaw ‘Yon ay si Vehnee Saturno na isang certified hitmaker.

Okey lang ba na pagpantasyahan siya ng mga bading?

“It’s okey. I don’t really care. They’re also human and I respect them. I love gay people and I don’t discriminate them as long as they’re not abusing me sexually,” diretso niyang pahayag.

Ayon pa sa singer, okey rin daw na mahalin siya ng gay o ligawan.

“I don’t see anything wrong with that, kung may gay na ma-in love sa akin, it’s okey. Lahat naman tayo nai-in love… It’s their right. We’re all here because of love. Pero siyempre, dapat may respeto rin tayo… And for me, sana huwag na darating do’n sa part na ‘yon… alam mo na ‘yon,” katwiran pa ng singer-actor.

Sa ngayon, wala rin munang panahon magka-girlfriend si James.

“I’m not saying na distraction ang babae, but for me, I work better if I’m more focused on what I want. Parang mahihirapan lang ‘yung girl if I’m busy, so sayang lang ‘yung relationsip,” sey pa niya.

La Boka
by Leo Bukas