Fifth Solomon, ‘di makontrol ang pagka-prangka

ADVERTISING

Fifth Solomon, ‘di makontrol ang pagka-prangka

Fifth-SolomonALIW AKO sa pagiging straight forward ni Fifth Solomom na kabilang sa cast ng bagong teleseryeng Nathaniel na nagsimula last Monday na napapanood on weeknights pagkatapos ng TV Patrol.

ADVERTISING

Mula nang aminin niya sa PBB last year na “bisexual” siya, hindi naging isyu sa akin ang pagiging diretso ni Fifth. Sa katunayan, natuwa pa ako dahil tulad ko, straight to the point din ako sa aking opinion at pananaw.

Hindi naman kasi tradisyonal ang binata na aminado na isa sa mga kahinaan niya ay ang pagiging prangka niya.

Kung ano ang nararamdaman niya at nasa sa isip, sasabihin niya. “This is one thing na gusto kong i-control,” pagkukuwento niya.

ADVERTISING

Happy si Fifth dahil after PBB, itong serye niya with Gerald Anderson, Shaina Magdayao, Pokwang, Ogie Diaz, at Ms. Coney Reyes ang pinakamalaking break niya sa showbiz.

Sa showbiz, I don’t expect stars to be real. Mabibilang mo lang ‘yong mga totoo. Meron diyan, they just do it para mapagbigyan ang press at ang publiko. But the real thing, kaaayawan mo sila. If I need to name names, I will. But not now. Basta ang mahalaga Fifth, hindi ka babaguhin ng showbiz. Ang importante, be real 24/7.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING