Fez to Fez: Marian vs. Vivian

ADVERTISING

Fez to Fez: Marian vs. Vivian

DEDMA LANG ANG tinaguriang reyna ng Kapuso network na si Marian Rivera sa mga binitiwang patutsada ng nagbabalik-showbiz na si Miss Body beautiful Vivian Velez matapos sabihing hindi nito nagustuhan ang naging performance ni Marianita sa Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang.

Matatandaang si V.V. ang orihinal na gumanap sa nasabing challenging role kaya naman may “K” as in karapatan siyang magbigay ng comment about Marian’s acting. Never daw na papatulan ni Marian ang pang-ookray ni V.V. dahil opinyon daw ‘yon ng veteran actress, at para sa kanya ay ginawa at ibinuhos niya ang lahat-lahat ng kanyang lakas… (Chos!) sa Proserfi na role mapaligaya lang ang kanyang mga beloved fans.

Pero parang may tensiyon pa rin sa pagitan ng dalawang prangkang aktres. Hmm… magharap na as in Face to Face na nga kayo at titingnan namin kung sino ba talaga ang may ‘K’ maging Proserfi na, aber?

Photos by Luz Candaba & Fernan Sucalit

ADVERTISING

Fez to Fez: Marian vs. Vivian

By MK Caguingin

Parazzi Chikka
Parazzi News Service

ADVERTISING