Female TV personality, bopol pala sa pagme-memorya ng linya!

NALOKA ANG mga movie reporter na bumisita sa taping ng isang public service show. Hindi nila kasi akalaing bopol pala sa pag-i-spiel ang isang female TV personality na siyang segment host ng nabanggit na programa.

One-liner lang ang sasabihin ng female TV personality, hindi pa niya mamemorya. Kung hindi nagba-buckle ay nagme-mental block ito at nalilimutan kung ano ba ang kanyang sasabihin.

Paulit-ulit tuloy ang take. At hindi na mabilang kung naka-ilang cure bago nasabi nang tama ng female TV personality ang kanyang maikling spiel.

Inis na inis ang mga movie reporter dahil cause of delay ng taping ang female TV personality na ito. Kung bakit daw kasi nagmamaganda na walang idiot board para sa kanyang spiel.

Gusto raw yatang gayahin ng female TV personality na ito ang main host ng programa na walang script o spiel guide during the taping.

Ang kaso… hindi naman daw nga niya keri. Isang line lang nga raw, hindi pa niya mamemorya.

Ano ba ‘yon?

(By Ruben Marasigan )

Previous articleSobrang kuripot na aktres, napapanisan ng mga pagkain sa ref!
Next articleGetting Sexier

No posts to display