Female TV host, buntis sa BF na TV host-actor

ADVERTISING

BLIND ITEM: Bukod kina Empress Schuck, Marian Rivera na umaming sila ay nagdadalantao na. Si Empress ay 3 months at 2 months naman si Marian. Usung-uso naman yata ang buntisan. Pinag-uusapan ngayon sa isang sports arena ang tsikang buntis nga raw ang isang female TV host sa kanyang boyfriend na isa ring TV host  cum actor.

Sabi nga kung may usok, may apoy. At matunog ngang pinagpipiyestahan ang tsika, dahil hindi nga raw napagkikita ang female TV host.

ADVERTISING

O, knows n’yo ba kung sino ang tsikang dimuna’y buntis?
Kung sa bagay, handa naman yata siyang pakasalan at matagal na silang magkarelasyon. At bagay sila, ha?

Clue, may kapangalang actress ang sinasabing buntis daw na TV host.

O, hula hulahoops na.

ADVERTISING

By Fernan de Guzman

ADVERTISING