Female singer, lumalaklak ng alak habang nagko-concert!

ADVERTISING

YES, TRUE, FRESH na fresh ang ating blind item ngayon. Ang bida natin ngayon ay itong si Female singer na  nag-concert lang kamakailan lang at du’n ay napag-alaman ng buong staff ang sikreto niya kumbakit habang tumatagal ang said concert ay mas humuhusay ang ating bida sa kanyang pagkanta.

Ang female singer na bida natin ay may props na isang mug sa kanyang tabi. At buong akala ng lahat ng nanonod sa kanya ay kape o tea ang kanyang tinutungga. Ang true ay alak ang laman ng mug.

ADVERTISING

Kalokah , ‘di ba?

Kung ganoon, nakakatulong pala ang alak sa katauhan ng ating female singer?

Kaya lang hindi kaya alam ng singer na habang tumatagal ang kanyang paglaklak ng alak onstage ay hindi ito nagiging maganda sa timbre ng kanyang boses. Girl na girl pa naman ang kanyang name.

ADVERTISING

Nagulat nga rin ang kanyang kasama sa sa kanyang concert na isa ring female singer.

O, knows, n’yo na ba kung sino siya? Well, ang name niya ay siya namang nickname ng isang actress. O hula-hula na po!

( By Fernan de Guzman)

ADVERTISING