Feeling super sikat daw kasi Alex Gonzaga, tinalakan ni Dina Bonnevie?!

ADVERTISING

Feeling super sikat daw kasi Alex Gonzaga, tinalakan ni Dina Bonnevie?!

Feeling super sikat daw kasi Alex Gonzaga, tinalakan ni Dina Bonnevie?!

ADVERTISING

FEELING SUPER sikat na raw itong si Alex Gonzaga at grabe na raw kung maka-attitude.

Natsitsismis kasi si Alex na mahirap ka-deal. Lahat na lang yata ng kanyang nakakasama sa soap opera sa Singko at maging sa iba pa niyang show ay puro reklamo sa kanya.

At ang loka, napaka-unprofessional pa. Kasi naman, parati raw itong late sa soap opera na pinagbibidahan niya. Prinsesang-prinsesa raw ang peg nito sa sarili kaya nagagawa niyang magpa-late sa kanyang taping.

ADVERTISING

Ang kaso, naimbiyerna si Dina Bonnevie na kasama niya sa soap. One time kasi ay more than two hours daw na naghintay ang lahat sa set. And when Alex came, she offered no apologies.

Dina reportedly went ballistic and confronted Alex. Talaga raw tinalak-talakan niya ang younger sister ni Toni Gonzaga na hiyang-hiya sa nangyari.

At na-trauma yata ang hitad kaya nag-request na lang daw itong tsugihin na lang siya sa soap. Ang kaso, paano mangyayari iyon, eh, siya ang bida.

 

HINDI NA-CARRY ni Anne Curtis na magkaroon ng another concert sa Araneta Coliseum. After ng show niya sa Cebu sa March 23 at sa Middle East para sa kanyang world tour ay mukhang ipapahinga na niya ang kanyang vocal chords.

“Ang sabi ko kay Boss Vic (Del Rosario of Viva) na after ng world tour, ayaw ko na. Ayaw ko na. Masaya na ako na nangyari na siya once, ‘yung Araneta, ‘yun ‘yung pinaka-bongga for me. Ngayon may Cebu concert pa, kasi madami ang hindi nakarating, ‘yung sa iba’t ibang probinsiya. May Davao, Bacolod. I wanna do it for them all but kaya lang nakakapagod siya. Kasi pagod na pagod ako sa night na ‘yun (Araneta concert),” esplika ng bagong endorser ng Kiss Phones ng Cherry Mobile.

Ayaw na rin niyang mag-record ng isa pang album kahit naging platinum ang kanyang unang recording.

 

MUKHANG AYAW ni Jewel Mische na mapag-usapan ang kanyang love life.

Nang matanong kasi siya kung inspired siya ngayon because of Jason Abalos, paiwas ang sagot ng dalaga.

“Alam mo naman na I’m always inspired,” sambit ni Jewel sa interview after niyang mag-ribbon cutting sa USA2Everywhere, isang online shopping site na available na ngayon sa Pinoy shoppers.

When asked kung napapasaya siya ni Jason, ito ang naging tugon ng dalaga, “We’re all happy. I thank God because I can be happy even if I’m not in a relationship.”

Nang biruin si Jewel ng isang reporter na pareho silang happy ng kanyang childhood friend na si Sarah Geronimo, paiwas din ang naging tugon ng dalaga.

“Tanungin n’yo siya,” sabi niya.

Kinumusta ang pagkikita ni-lang dalawa sa ABS-CBN ng isang TV reporter.

“Actually noong bata lang kami close. Hindi namin alam na pareho kaming mapapadpad sa showbiz. Nu’ng nagkita kami, pareho na kaming nasa showbiz mabait naman si Sarah.”

Feeling super sikat daw kasi Alex Gonzaga, tinalakan ni Dina Bonnevie?!

Sabi ni Jewel, for sure ay magiging client siya ng USA2Everywhere kasi “ Idon’t really like using my credit card kaya nga ako magiging client nila. Very convenient siya. Magbabayad lang kayo ng cash sa kanila at sila na ‘yung mag-aasikaso.”
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING