Feel-good teleserye ni Zanjoe Marudo, patok sa viewers

Feel-good teleserye ni Zanjoe Marudo, patok sa viewers

Zanjoe-MarudoIN FAIRNESS, nakaaaliw at feel-good teleserye talaga ang Dream Dad ng newest Kapamilya “couple” na sina Zanjoe Marudo at Jana Agoncillo.

Niyakap ito ng buong sambayanan sa pilot telecast nito last Monday, Nov. 24. Ayon sa survey mula Kantar Media noong Lunes, naging number one TV program agad sa buong bansa ang pilot episode ng Dream Dad with national TV rating na 29%.

Ito ay 14 puntos na kalamangan kumpara sa katapat nitong programa sa GMA na More Than Words (15.5%).

Patuloy rin ang tagumpay ng teleserye dahil naging pinaka-pinanood na programa rin ito noong Martes (Nobyembre 25) with national TV rating na 30.5%. Bongga naman, huh!

Samantala, tiyak na mas maraming TV viewers ang mahu-hook sa kwento ng Dream Dad ngayong mapipilitan si Baste (Zanjoe) na talikuran ang babaeng pinakamamahal niya para sa kanyang pamilya.

Handa na ba si Baste na harapin ang responsibilidad bilang presidente ng kanilang kompanyang ENS Dairy Corporation? Paano magbabago ang kanyang buhay sa oras na magkrus ang landas nila ng batang ulila na si Baby (Jana)?

Napapanood ang Dream Dad gabi-gabi, pagkatapos ng TV Patrol sa ABS-CBN Primetime Bida.

La Boka
by Leo Bukas