February is Solenn Heussaff month!

February is Solenn Heussaff month!

February is Solenn Heussaff month!Si Solenn Heussaff ang maituturing natin na isa sa biggest stars ng GMA-7. Hindi man siya bida sa usual primetime or afternoon teleseryes, consistent naman ito sa pagkakaroon ng bagong endorsements, magazine cover shoots, host pa rin ng isang lifestyle show sa GMA News TV at left and right din ang ginagawa nitong movies.
Just for the month of February ay bongga ang exposure ni Sos (palayaw ni Solenn), which will surely make her fans happy. Palabas na simula noong February 3 ang “Lakbay2Love”, which is an advocacy film promoting biking in the Philippines and educating people with responsible tourism. Katambal niya rito ang GMA Drama King na si Dennis Trillo with Kapamilya actor Kit Thompson. Very refreshing sa mata ang green sceneries na tampok sa movie. Feel good na, marami ka pang matututunan! Bonus na lang ditto ang kilig at hugot lines.
By February 10 ay ipalalabas naman sa cinemas nationwide ang “Love is Blind”, na reunion movie nila ni Derek Ramsay. Well, they were never paired in any TV or movie projects before, pero nagging sila way back when Derek Ramsay was just an MTV VJ while Solenn is starting to get into modeling. Nine years ding ‘di nag-usap ang mag-ex at nabunyag din ni Derek sa isang interview na si Solenn ang kanyang “TOTGA” or “The One That Got Away”. Ouch! Kasama ang riot tandem nina Kiray Celis at Kean Cipriano, the movie will surely make you laugh out loud!
This Saturday naman ay lalo kayong mahuhumaling kay Solenn Heussaff together with Lovi Poe sa FANTAISIE concert nila sa Music Museum in Greenhills, San Juan. Malalaman na ng kalalakihan ang secret fantasies ng mag-friendship and surely, you can’t keep your eyes off them! Bili na ng tickets sa smtickets.com at saluhan ang dalawang bebot sa February 6 ng gabi!
Apart from the movies and the concert, may fragrance line din na nakatakdang ilabas this month under Solenn’s name. Consistent din ang sales ng Besties book nila ni Georgina Wilson. Malapit na ring ilabas ang kanyang third album! Whew!
With a good career and steady love life, mukhang Solenn Heussaff is the real winner sa buwan ng Feb-Ibig. Kung ganyan ba naman ka-cool at ka-professional ang isang artist, sure ball na trabaho ang lalapit. Way to go, Sos!

Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club