FATHERHOOD EFFECT! Carlo Aquino mas humaba ang pasensya nung maging tatay

Leo Bukas

Si Carlo Aquino ang latest interviewee ni Erich Gonzales sa kanyang vlog na napapanood sa Youtube. Magkasama ang dalawa sa Kapamilya seryeng La Vida Lena na kasalukuyang nagte-taping.

First time ni Carlo na makatrabaho si Erich kaya  tinanong niya ito kung ano ba ang impression sa kanya ng aktor.

FATHERHOOD EFFECT! Carlo Aquino mas humaba ang pasensya nung maging tatayKuwento ni Erich,  “Nu’ng sinabing ikaw, si Kit (Thompson) at JC (de Vera) ang makakasama ko, sabi ko go.  Kami ni JC nagkatrabaho na, kayo ni Kit first time.

“Dati, sabi ko, ‘Snob pala yung Carlo Aquino sa totoong buhay.”

Depensa naman ni Carlo, “Mahiyain kasi ako, actually sa lahat naman sinasabi nga nila na masungit ako.”

“No naman! But I think, it’s okay kumbaga, pakiramdaman. But it’s weird naman na first time mong makita yung tao tapos…  hindi rin naman ganu’n.  Ano po siya, process… tulad ngayon nakiki-vlog nap o siya sa atin,” hirit ulit ni Erich.

Nagpaalam si Erich kung puwede niyang tanungin nang personal si Carlo na pinagbigyan naman ng aktor.

Aniya, “May question pa ako, puwedeng personal? First time mo maging tatay?  Hindi ko kasi alam baka lang may iba ka ng…   Kumusta yung experience?”

Tugon ni Carlo, “Masarap.  Sobrang humaba ang pasensya ko.  Nag-iba. May inspirasyon na ako, kasi ever since talaga gusto ko ng magka-baby.  Sabi ng mga pinsan ko na mahirap, sa experience ko, mahirap na hindi mahirap.  Basta pag nakikita mo yung anak mo, parang buo ka.”

Ikinuwento rin ni Carlo kay Erich kung paano niya nakilala ang kanyang partner na si Trina Candaza.

“Mahilig kasi ako sa motor, so isinama ako ng kaibigan ko sa World Trade Center kasi may show. Tapos ikut-ikot ako,  doon ko siya nakita.  Siya lang napansin ko, sabi ko, ‘Ang ganda ng mata mo.’

FATHERHOOD EFFECT! Carlo Aquino mas humaba ang pasensya nung maging tatay
Carlo Aquino with partner Trina Candaza and Baby Enola Mithi

“Tapos nagpa-picture ako sa kanya, tapos sabi niya kilala ko ang ate niya, so hinanap ko siya sa Facebook. Ini-stalk ko siya, tapos chat-chat. Hiningi ko number niya, inilabas ko siya sa Greenhills tapos nagdire-diretso na.

“Tapos may time na tumigil,  nagkagulo, kung anu-anong nangyari. Ayoko ng maging detalyado ro’n, tapos nagkita ulit kami. Pinursue ko, tapos hindi ko siya makalimutan. After 9 or 10 weeks kami na,” pagre-recall ng aktor sa kung paano nagsimula ang love story nila ng girlfriend.