Fashion designer Avel Bacudio, nanggagalaiti kay Stella Marquez-Araneta

Fashion designer Avel Bacudio, nanggagalaiti kay Stella Marquez-Araneta

Avel-Bacudio-Kris-AquinoNAGPUPUYOS SA galit sa galit ang mga local fashion designers natin sa tinuran ni Bb. Pilipinas Charities, Inc. head na si Stella Marquez-Araneta tungkol sa walang tiwala, walang pasado sa galing at artistry ng mga Pinoy Designers natin na naging dahilan para ang isang Colombian designer ang na-commissioned para gumawa ng isusot (Philippine National Costume at Evening gown) ni MJ Lastimosa sa nakaraang 63rd Miss Universe Beauty Pageant.

Isa sa respetadong local designers natin na hindi naman masasabing small time at basta-basta na lang dahil kilala sa bansa at sa abroad at nirerespeto ng ibang kapwa niya designers ay si Avel Bacudio.

Makailang beses na nagwagi sa mga international completion si Avel na naglagay sa kanya sa kinatatayuan niya ngayon. Maging si Kris Aquino hindi nag-aatubili na isuot ang mga creations niya at sa katunayan, sa kaguluhan na naganap dahil sa napakapangit na gown na isinuot ni MJ kamakailan, isa si Avel sa nairekomenda ni Kris na puwedeng mag-design ng isusuot ng kandidata ng Pilipinas kasama ng mga Pinoy international designers natin tulad nina Monique Lhuiller, Oliver Tolentino, Cary Santiago, at marami pang iba.

Galit si Avel na nangyari. Galit siya sa pagmamaliit ni Stella Marquez Araneta.

Narito in full ang private message ni Avel sa amin sa Facebook on his stake sa issue: “Bilang isang dugong Pilipino at alagad ng sining, isa itong ‘di makatarungang paghuhusga sa mga katulad kong Pilipino fashion designer, wala man tayong mga makinarya na p’wedeng ipagmalaki sa buong mundo, pero meron tayong TALENTO NA P’WEDENG IPAGMALAKI SA LAHAT NG SULOK NG MUNDO, ang pahayag ni STELLA ARANETA ay labag sa kalooban ng bawat Pilipino at panglalait sa ALAGAD NG SINING, sino sya????

“May dugo ba siyang Pinoy? Ano ang ALAM N’YA SA KULTURA NG PILIPINO? ANO ANG ALAM N’YA SA PUSONG PINOY? Isang masakit at ‘di makatarungan ang panglalait n’ya sa mga PINOY DESIGNERS!!!!

“Kung tayo ay nakakapagpatalsik ng pinakamataas na posisyon sa ating bansa na DUGONG PILIPINO, ito pa kayang si STELLA ARANETA na isang Colombian na halos isuka niya ang pagsasabi na hindi magaling ang mga Pilipino?

“Eh kung ipasuntok kaya natin sa magkabilang pisngi niya ang kamao ni Manny? At itabi sa isang malaking speaker ng ARANETA COLISEUM at habang kumakanta si LEA SALONGA ,o ‘di kaya ipadala siya sa Mindanao para malaman niya kong ano meron ang mga PILIPINO, tayo pa!!!

“Pag alam natin na dehado ang bawat isa sa atin, isa sa nga dapat gawin ay tanggalin sa kanya ang Binibining Pilipinas at hayaan si Donald Trump ang magdesisyon.

“HALOS LAHAT NG SOCIAL MEDIA AY SIYA ANG LAMAN at nagngingitngit bawat Pilipino sa kanya hudyat ito na dapat magkaisa,” pagtatapos ng mensahe niya sa amin.

Bukod sa isyu ng gown ni MJ, may balitang nakarating sa amin na may isang deaf and mute candidate para sa Binibining Pilipinas 2015 ang nakapasa sa sreening, pero diumano ay ipinatanggal nila.

Reyted K
By RK VillaCorta