FANTASY COME TRUE: Marco Gumabao, excited sa sexy scenes nila ni Anne Curtis

ADVERTISING

FANTASY COME TRUE: Marco Gumabao, excited sa sexy scenes nila ni Anne Curtis

FANTASY COME TRUE: Marco Gumabao, excited sa sexy scenes nila ni Anne Curtis
Anne Curtis and Marco Gumabao

HINDI inaasahan ng sexy hunk na si Marco Gumabao na makakasama niya sa pelikula si Anne Curtis.

Si Anne kasi ang isa sa mga pantasya ng mga kalalakihang artista natin na makasama sa pelikula kung bibigyan ng pagkakataon.

Yes, nang makarating ang balita sa binata na siya ang leading man ni Anne sa passionate love story na “Just A Stranger” produced ng Viva Films sa direksyon ni Jason Paul Laxamana, hindi makapaniwala si Marco na ang pantasya niya ay magiging isang realidad na pala.

Kuwento niya sa experience niya with Anne while shooting the film: “Working with Anne was amazing. She’s super nice. It’s my second time to do a movie with her and mas naging close kami. We have a good working relationship, and everything was so fun,” sabi ng sexy hunk.

ADVERTISING

Tipong May-December affair ang peg ng kuwento. Si Anne na mas matured kay Marco at may asawa ay naka-one time si Marco na hindi nila inaasahan na made-develop sa isang relasyon ang supposed to be ay “tikiman” lang na nauwi sa pagkakahulong ng mga loob nila sa isa’t isa na lingid sa kaalaman ng asawa ni Anne na si Edu Manzano.

FANTASY COME TRUE: Marco Gumabao, excited sa sexy scenes nila ni Anne Curtis
Marco Gumabao and Anne Curtis

Kuwento ni Marco tungkol sa kanyang role as Jekjek na isang 19 years old  son of  Philippine Ambassador na kulang sa maturing na ang pagpasok niya sa pakikipagrelasyon kay Mae Pimentel (Anne) ay maghahatid sa kanyang sa isang nakaka-tensyon na relasyon sa isang babaeng may asawa.

Kuwento ni Marco: “This is very different from my previous roles. I’m going to be younger than my usual age here so mas childish ako, mas immature ako dito so it’s very different from my role in Los Bastardos,” sabi ng yummy hunk.

First time ni Marco sa location shoot nila sa Portugal. “Nag-shoot kami sa Lisbon last April. Ang saya. I loved it. It was more than what I expected. Ang ganda ng Portugal. The scenery was super ganda, everything looked romantic, pang-date,” pagkukuwebto niya tungkol sa kanyang karanasahan.

Sa Lisbon kinunan ang super intimate love scene nila ni Anne na na ayon sa mga nakapanood na ng eksena ng dalawa ay “mangingnig” ka at papawisan ng malapot. In the film, Marco and Anne will show more skin.

Just A Stranger is Marco and Anne’s 2nd team up sa big screen. The first was a suspense-horror movie na Aurora shown during the Metro Manila Film Festival last December 2018.

 

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING