Fantasia Barrino, humanga sa “I Believe” version ni Darren Espanto

ADVERTISING

Fantasia Barrino, humanga sa "I Believe" version ni Darren EspantoNagpahayag ng kanyang paghanga Fantasia Barrino kay Darren Espanto nang kantahin ng huli ang “I Believe”.

Nag-post sa kanyang Twitter account ang original singer ng nasabing kanta noong Biyernes, January 29, matapos na marinig ang cover ni Darren.

Ani Fantasia sa kanyang post, “This is beautiful.. Your voice will touch so many people.”

Muling nag-perform si Darren Espanto sa “The Roadshow” segment ng radio station na Wish 107.5 sa America, kung saan pinahanga niya ang kanyang fans sa nakabi-believe niyang galing sa pagkanta.

Mula nang manalong runner-up sa season 1 ng “The Voice Kids”, tuluy-tuloy ang pag-arangkada ng singing career ni Darren.

ADVERTISING

Galing naman sa American Idol ang Grammy award-winning vocalist na si Fantasia, kung saan nanalo siya sa season 3 nito.

By Parazzi Boy

ADVERTISING