Fans nina Xian Lim at Kim Chiu, ‘di magkamayaw sa ilang ulit na halikan ng dalawa on stage sa concert ni Xian

ADVERTISING

Fans nina Xian Lim at Kim Chiu, 'di magkamayaw sa ilang ulit na halikan ng dalawa on stage sa concert ni Xian

Xian Lim & Kim Chiu
Xian Lim & Kim Chiu

Birthday bukas (July 12) ni Xian Lim. He turns 27.

At sa kaarawan niya, sabi niya: “I have nothing to ask for. Ibinigay na sa akin ng nasa Itaas ang hinihingi ko at ilan sa mga bagay na hindi ko in-expect na mangyayari sa akin mula nang pasukin ko ang showbiz.”

Happy si Xian sa magandang feedback sa kanyang recent “A Date With Xian” concert na naganap last Saturday sa Kia Theater.

Hindi in-expect ng actor-performer na ganu’n kainit ang pagtanggap ng publiko at ng fans sa kanya, kesehodang mabagyo noong gabing ‘yun.

ADVERTISING

Pero para sa mga tagahanga ni Xian Lim, binilang nila kung ilang beses silang nag-kiss ng screen sweetheart niyang si Kim Chiu.

Sa bilang nila, naka-dalawang kiss on stage sina Xian at Kim Chiu. Una ay during their dance number at ang pangalawa ay ang pa-birithday kiss ni Kim sa binata.

Na ang KimXi fans, hindi magkamayaw nang masaksisahan ang “kissing scene” na ‘yun ng dalawa nang live na live.

Ngayong kaarawan ng binata, walang klarong kaganapan kung ano at papaano isi-celebrate ni Xian ang kanyang birthday.

For sure, ang solid Xian at KimXi fans, may asaltong gagawin sa pagsalubong sa kaarawan ng binata.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING