Fans ni Vilma Santos, mas karespe-respeto kumpara sa fans ni Nora Aunor!

ADVERTISING

Fans ni Vilma Santos, mas karespe-respeto kumpara sa fans ni Nora Aunor!

Fans ni Vilma Santos, mas karespe-respeto kumpara sa fans ni Nora Aunor!OLA CHIKKA now na! Oh, no… oh, yes… now na! More chikka, more fun na naman tayo to the maximum authority of chikka.

Over may beautiful body! Kaloka, as in, hindi talaga ako makapaniwala na hanggang Amerika, nakarating ang pagiging Vilmanian ko na raw ngayon, dahil sa mga naglipanang pekeng Noranian na mga walang urbanidad (hindi lahat,ha?)

Kasi, headline sa entertainment news nila sa column ni Ogie Cruz, Showbiz Watcher, ng Asian Journal, ang ‘Tita Swarding, Bayaran at Spy Raw ni Vilma Santos?!’

Ayon sa kanyang isinulat, nanggagalaiti raw ako sa galit ngayon sa mga pekeng Noranian dahil sa akusasyon sa akin na bayaran at spy raw ako ni Vilma.

ADVERTISING

“Dati ay pamosong tagapagtanggol siya ng Superstar. Kaya nang minsang nakasagutan niya ang mga Vilmanian sa Facebook about sa nai-tag namin sa kanya, kung sino ba ang tunay na movie queen ng philippine movies, hindi na raw ito mga tunay na Noranian, kasi kung anu-ano ang tinatawag sa kanya ng mga ito, na halos hindi mo na makain ang mga sinasabi.

“Ilang beses na ring naka-schedule sa kanyang prorama sa DZRHTV si Nora, nakausap niya ang kanyang manager na si Boy Palma, pero maraming alibi na nasa Antipolo, may sakit at kung anu-anong kaek-ekan.

“Huling usapan namin ni Boy, bago magtungo sa Amerika si Nora ay tatawagan daw niya ako pagdating. Pero halos dalawang linggo na nang dumating sa Pilipinas ito, ni anino nito ay hindi pa niya nakita. Mabuti pa itong si Lucy Fermin na dating tumutuligsa sa kanya, siya pa ang kusang pumunta sa dressing room para makipagbati.”

“Sabi ni Tita Swarding, showbiz lang ang pakikipagbati nito, siyempre parehas TV5. Pagpapahalaga sa kanya ang hindi niya naranasan kay Nora Aunor, kaya siguro masama talaga ang loob ng tri-media personality ng DZRHTV. Nagising na raw siya sa katotohanan na si Nora, manahimik na lang dahil wala nang career at hindi na talaga kumikita ang mga pelikula niya. Kaya nga raw hindi maipalabas ang Thy Womb sa Pilipinas, dahil wala namang manonood at tiyak na lalangawin lang daw. Mabuti pa raw si Vilma, totoong box-office pa rin hanggang ngayon. Vilma Santos na ako ngayon, dahil nagising na ako sa katotohanan at totoong susuportahan ko na siya. Sa totoo lang mas may respeto ako sa mga Vilmanian kaysa iilang Noranian na walang ginawa kundi puro makipag-away at magpayabangan. Doon na ako sa systematic na fans gaya ng Vilmanians,” pagtatapos pa ni Tita Swarding.

Naipangako ko kasi ito mula nu’ng tinanggal nila ako sa site ng NOW na walang ginawa kung hindi magba-ngayan na hindi ko sila titigilan, alam man o hindi ni Nora. Basta bukal na sa aking kalooban, tanggapin man ako ng mga Vilmanian o hindi, si Ate Vi na talaga ang susuportahan ko. Sorry sa aking mga kababayang Bicolano, kung nagkamali ako sa inyo, tao lang po ako na may puso at marunong masaktan.

Sa ginawa nila sa akin, Diyos na ang bahala sa kanila. Malaya akong magpahayag ng aking saloobin bilang mamamahayag. Tungkulin ko rin na ipagtanggol ang aking sarili na iningatan ko ng 45 years na walang bahid dungis. Sila lang ang sumira sa akin. Ang hindi ko matanggap ang sinabi nilang ang pinapakain ko sa aking pamilya ay ang pag-huhuthot sa mga artista. Hinahamon ko silang lahat, ilantad nila ang sinumang artistang hinuthutan ko at titigil na ako kung mayron man. Sa mga hindi ako maintindihan, okay lang. Pero sinasabi ko lang ang aking nararamdaman, prangka lang po ako.

Sa mga susunod pa, abanggan ang mga pasabog at lagi po kayo makinig sa DZRHTV, DWSS, Pinoy Radio UK sa London via Skype, at dito sa Pinoy Parazzi. God bless us all. ‘Yun na!

 

PITIK-BULAG: Sino itong actress na talaga namang napaka-primadona sa set, lalo na ‘pag nagsi-shooting? Hindi raw ito bumababa ng sasakyan, pinatatawag ang legman kung magte-take na saka siya bababa. Ayaw raw nitong makihalubilo sa kapwa niya artista, baka raw utangan siya.

Kakaloka naman, as in, over my dead body talaga! Ayaw paawat sa pagka-primadona niya… hindi ko kinekeri. Hahahaha!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING