Fans ni Sarah Geronimo, nagwala sa social media

Fans ni Sarah Geronimo, nagwala sa social media

sarah geronimo onlyNAGWAWALA ANG fans ni Sarah Geronimo sa social media. Hindi nila matanggap na successful ang Hologram concert ni Julie Anne San Jose.

Noong una, hindi nila ma-take ang Diamond award ng Kapuso singer, ngayon naman ballistic sila sa nagsasabing si Julie Anne ay isa nang Concert Princess.

Based on the photo that we saw sa social media ay napuno ni Julie Anne ang MOA Area which validates our feeling that she is a SILENT SUPERSTAR.

 

SELECTION YOUR honor ang pa-Christmas party ng mga network including talent managers.

We heard complaints from our colleague na hindi naimbitahan sa Christmas party ng Dos. Merong mga nagtawag kay Kane Choa, head ng PR department, who was shocked nang malaman niyang hindi naimbitahan ang mga nasa list of invitees nila. Ang sabi, si Aaron Domingo raw ang nagte-text ng invites. Da who si Aaron? Well, he’s a former writer-writeran na mahilig mag-cover ng male bikini contests na naging PR ngayon ng Dos kahit na wala namang PR SENSIBILITIES. So, may pinipili si Aaron? Baka!!!

Ang isa pang object of complains ay ang PPL Entertainment ni Perry Lansigan. Selected members of the entertainment media lang kasi ang inimbita nila sa yearly Pamaskong press party nila, wala na ang sandamakmak na press invitees.

Ayun, marami tuloy ang nag-iisip na SINKING BOAT na ang PPL at nalulugi na ito.

We felt this is not baseless since the company has become a HOUSE OF STARLETS. Going through its roster of talents, mukhang puro STARLETS OF GALACTIC proportion nga ang mga ito.

Parang si Rose Garcia na lang ang naniniwalang BIG STAR pa rin si Dingdong Dantes gayong he has become the BIGGEST STARLET of them all.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas