Fans ni Mocha Uson, asar-talo kay Agot Isidro

ADVERTISING

Fans ni Mocha Uson, asar-talo kay Agot Isidro

Agot Isidro and Mocha Uson
Agot Isidro and Mocha Uson

Asar-talo kay Agot Isidro ang fans ni Mocha Uson.

ADVERTISING

May isa kasing follower si Agot sa social media, si Kristine Gonzaga, na nag-suggest na pagsamahin sina  Mocha at Baron Geisler at tawaging MoRon ang kanilang love team.

“yung sana maging loveteam si mocha at baron para meron ng MoRon,” say ni Kristine.

Mukhang natuwa si Agot sa “panukala” ng fan at kanyang ni-report ang nasabing request.

ADVERTISING

Ayun, nagwala ang Mocha fans at kung anu-ano ang pinagsasabi kay Agot.

“Masyadong patolera c agot.”

“Feeling empowered kasi sya ngayon.”

“Anyare Agot? You are better than that.”

“I will never ever patronize anything that has agot on it. She has made herself so cheap.”

Teka lang, ha? Hindi naman si Agot ang  nag-suggest, bakit siya ang bina-bash ninyo? Why gang up on her and not the one who suggested the MoRon love team.

Kay tatanga nitong mga ito. Masyado kayong pikon, wala namang ginagawang masama sa inyo si Agot.

May isa pang nakakaloka kay Agot. Sinakyan niya ang hugot line ng isang protester sa anti-Marcos rally na may dalang placard na ang nakasulat ay, “Agot told me to be here”.

Nag-react naman si Agot and said,  “yes, I did! I’m happy you came. And he’s Happy! That’s his name! Nice to meet you!”

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING