Fans ni Marian Rivera, napikon sa joke ni Joey de Leon!

ADVERTISING

Fans ni Marian Rivera, napikon sa joke ni Joey de Leon!

Fans ni Marian Rivera, napikon sa joke ni Joey de Leon!MARIAN RIVERA’S fans are seething when comedian Joey de Leon’s cracked a joke at the expense of Dingdong Dantes’ girlfriend.

Joey asked Lorna Tolentino, Dingdong’s latest leading lady in a soap sa GMA, kung hindi ba pinagsarhan ng pinto o nagdabog si Marian when she learned about the kissing scene.

‘Yun lang at nagwala na ang mga supporters ni Marian sa internet. The joke, they said, was done in bad taste.

“Is that the kind of DECENT promotions of a new show the network have? At the expense of Marian and Dingdong reputation? you need to understand the predicament of the viewers that media is a venue of truth and learnings much more reputation,” say ng isang disappointed fan.

ADVERTISING

“One more thing, stop selling sex as part of soap opera promos. It’s just disgusting Madame:) @ligoras @PahiramSandali7 @gmanetwork,” wailed one another obviously pissed off supporter.

Ang nakakaloka, na-compare pa ang paraan ng pagpo-promote ng GMA-7 sa ABS-CBN.

“Watched StarTalk, this is d dif bet ABS-CBN & GMA. ABS-CBN stars do’nt destroy their collegues 2 promote their show.Very disappointed.”

“ABS-CBN peeps present themselves as united even if they have different projects. There is respect from each other.”

“I just realized, that is why ABS-CBN fans are also united to support ALL their talents. No talents are stirring each other’s fans,” sunud-sunod na reaction ng isang fan.

Masyado yatang sensitive ang mga fans ni Marianita. Halos lahat na lang ay pinapatulan nila. Nakalimutan nila na nagbibiro si Joey nang binitiwan niya iyong linyang iyon.

Are Marian’s fans aware na ang pikon ay laging talo?

Hindi na kami nagulat sa reaction ng fans ni Marian dito sa nasulat namin na tila pinandidirihan ng supporters ni Coco Martin ang dyowa ni Dingdong.

Marami kasi ang nag-rejoice when they learned na hindi na tuloy ang movie ng dalawa.

Ang nakakatawa, todo-depensa ang Marianitas at nag-post pa ng isang article wherein sinasabing hindi sinusuportahan ni Coco ang anak niya kay Katherine Luna at ‘yun ang mas nakadidiri.

Talaga itong fans ni Marian laging pikon. Patol kung patol ang kanilang drama at tila hindi nag-iisip.

When we said na tila pinandidirihan ay observation namin ‘yon. The word tila connotes tentativeness, uncertainty. Hindi ‘yon na-gets ng fans ni Marian because they’re occupied with defending their idol to the hilt at hindi na nila iniintindi ang write-up.

That’s what’s idiocy is all about!

GAANO KAYA ka-authentic ang photo na lumabas where Piolo Pascual and Maja Salvador were caught kissing while inside a car?

Nakita namin sa internet ang nasabing photo pero may mag nag-react kaagad na parang hindi iyon totoo at parang gawa-gawa lang.

Ang sabi naman ng ilan, parang promo shot lang daw ‘yon.

Ano kaya ang katotohanan sa lumabas na photo? Isa nga lang ba itong eksena sa isang soap opera o movie ng dalawa?

After ma-link kay Shaina Magdayao ay kay Maja naman tiyak na magkakaroon ng relasyon si Piolo. ‘Yan kasi ang parang lumalabas na anggulo ng photo na nag-surface recently sa internet.

Wanna bet?
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING