Fans ni Maja Slavador, may death threat kay John Lloyd Cruz

ADVERTISING

Fans ni Maja Slavador, may death threat kay John Lloyd Cruz

John Lloyd Cruz & Maja Salvador
John Lloyd Cruz & Maja Salvador

Kaloka ang fans na walang bait sa mga sarili. ‘Yong fans na mga aning-aning.

Ngayon na natsitsismis na si John Lloyd Cruz ay nail-link ngayon kay Maja Salvador matapos lumabas ang photos ng dalawa na kuha last weekend nang dumalo sila sa Kadayawan Festival sa Davao na nag-sidetrip ang dalawa sa Pearl Farm sa Samal Island (about 30 minutes away from the city proper), may death threat na ang mga faney na ayaw kay Lloydie para kay Majs.

Kaloka ang fans na feeling powerful. Mga baliw na akala mo naghahari-harian gayong mga wala namang mukha, na matatapang lang sa mga salita at sa social media postings nila just to defend and protect their idols.

Dahil sa isang picture, ‘di na mawari ang Maja Salvador fans na feeling nila ay lolokohin ng actor ang idol nila.

ADVERTISING

Mga baliw. Pakialam nila sa personal na buhay nina John Lloyd ay Maja.

Ang hindi nga nila alam, baka nga may “special session” na ang dalawa just for the reason na gusto nila, the fact na nasa tamang edad na sila.

Granting na meron mang namamagitan between JLC and Majs, ano’ng magagawa nila? Kung sakaling may M.U. man sila at nagkahiwalay, pakialam naman ng fans na wala namang pakialam sa personal feelings ng idols nila?

Pabayaan n’yo ang mga idolo ninyo na maging normal sila. Hindi kayo ang may hawak ng mga puso nila.

Nakatatawa lang isipin na bukod sa mga sumukong illegal drugs dependents na nakapupuno sa rehabilitation centers natin sa kasalukuyan, ang dami rin palang aning-aning na fans na hindi na kailangan ng Ekis, Mogadon, Shabu, Cocaine, Ecstasy, etc. para mag-undergo ng rehab. Hahaha!

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING