FANS NI LIZA SOBERANO, NA-PRANING

ADVERTISING

FANS NI LIZA SOBERANO, NA-PRANING

FANS NI LIZA SOBERANO, NA-PRANING
Liza Soberano

NAGULANTANG ang mga fans ni Liza Soberano nang mag-post siya sa kanyang IG Story ng resulta ng isang ultrasound sa kanyang IG.

Nagtrip si Liza sa kanyang socmed na feeling mg mga fans at taga-suporta niya ay buntis ang dalaga. Kumbaga, sa kanya ang ultra sound result.

Sa caption ng kanyang nai-post: “It seems like 2019 is going to be an exciting year. I certainly was not expecting this and wanted to tell everyone personally!! These two are due in March!! I can’t wait to see the happiness they bring,” pagkasulat ni Liza

Instant reaction ng mga fans at followers ni “Darna” sa kanyang social media ay nag-panic sila at hindi makapaniwala na preggy ang kanilang idol. Napraning sila.

ADVERTISING

Mabuti na lang at maagap ang dalaga at sinundan after a few minutes ng kanyang message na: “”I’m not sure who the parents are, so copy and paste to freak everyone out.”

Kami rin ay na-praning after makita ang naturang prank ng dalaga na sa isip naming, papaano na ang promising career nito if ever. Sayang kasi di ba?

 

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING