Fans ni AJ Raval at Diego Loyzaga, mabubuhayan kaya ng loob sa ‘Death of a Girlfriend’?

PALABAS NA sa Vivamax ang bagong erotic thriller film ni Yam Laranas na ‘Death of a Girlfriend‘. Hindi na bago sa paggawa ng thrilling films (mapa-seksi man o takutan) ang direktor na minsan din humawak sa mga past Viva sexy stars na sina Rica Peralejo, Maui Taylor, Anne Curtis at Yam Concepcion.

Fans ni AJ Raval at Diego Loyzaga, mabubuhayan kaya ng loob sa 'Death of a Girlfriend'?
Diego Loyzaga and AJ Raval in ‘Death of a Girlfriend’

Ang ‘Death of a Girlfriend’ ang masasabing launching movie ng mga showbiz children na sina Diego Loyzaga at AJ Raval. Si Diego ay matagal nang pumasok sa mundo ng showbiz, pero recently lang ulit naging aktibo. Alam naman ng madlang pipol na siya ang anak nina Cesar Montano at Teresa Loyzaga.

On the other hand, ang bagong ‘Pantasya ng Bayan’ na si AJ Raval ay anak ng sikat na 90’s action star na si Jeric Raval sa ex-girlfriend niya na si Alyssa Alvarez, na minsan din pinasok ang showbiz.

Sa totoo lang, dumarami ang fans ni AJ Raval. Maliban sa ‘pambibitin’ nito sa first movie offering ng Vivamax na ‘Paglaki Ko, Gusto Ko Maging Pornstar’ kung saan may pa-wetlook ito, this time ay talagang dibdiban na ang labanan. Palaban din ito sa outdoor and bed scenes with Diego na may mga galawan na mapapaisip ka na lang at mapapahanga sa katapangan ng dalaga lalo na’t naging vocal naman siya sa pag-amin na kontra ang kanyang tatay sa kanyang paghuhubad sa pelikula. Pagdating sa aktingan ay mas maganda siguro na mas mag-explore pa ito by taking more acting workshops para mas less awkward ang pagkaka-arte onscreen.

Fans ni AJ Raval at Diego Loyzaga, mabubuhayan kaya ng loob sa 'Death of a Girlfriend'?
AJ Raval and Diego Loyzaga in ‘Death of a Girlfriend’

Hindi rin kami bilib na isang shy high school student si Diego Loyzaga dahil sa obvious na tattoo niya sa katawan. Mas convincing din ang kanyang chemistry with Cristine Reyes sa ‘Encounter’ ng TV5. Sa totoo lang, mas puwede pa na gawing mas ‘pa-virgin’ si AJ sa pagiging softspoken nito compared to Diego. Miscast?

Pagdating naman sa growth bilang isang aktor ay malaki ang improvement ni Diego Loyzaga. Sana’y magtuloy-tuloy ang pagpasok ng mga proyektong bagay sa kanya.

Magaling ang mga character actors na sina Raul Morit at Arnold Reyes. Kung aktingan ang hanap ninyo, maaasahan niyo ang dalawang supporting actors na ito. Kung pagpapabuhay ng mga nananamlay na katawan naman ang kailangan niyo, sina Diego at AJ na ang bahala diyan! He-he-he!

Hindi na kami magbibigay ng spoilers, pero kung naghahanap ka ng isang ‘thrilling’ story, might as well give this film a watch. Sulitin niyo na rin ang Vivamax subscription niyo dahil napakaraming magagandang pelikula ang nasa catalogue nila tulad ng Seobok nina Gong Yoo at Park BoGum.