Fans ng “#ParangNormalActivity” dismayado sa TV5

Fans ng “#ParangNormalActivity” dismayado sa TV5

#ParangNormalActivity casts
#ParangNormalActivity casts

Nalungkot ang commercial model/ actor at ambassador ng Jewels/ Mario D’ Boro at Ysa Skin and Body Experts na si Shaun Salvador sa pagkawala sa ere ng top-rating show ng TV5 na “#ParangNormal Activity”.
Kahit nga consistent top-rater ito ng Kapatid Network at laging trending every Saturday, hindi na raw ito binigyan ng another season ng TV5. Kaya naman ang ending ay lumaylay ang time slot nito at nagsilipatan sa katapat nitong palabas ang regular viewers ng “#ParangNormaActivity” na nadismaya rin sa pagkawala ng show.
May mga nagtatanong nga raw kay Shaun mula sa kanilang avid fans kung bakit ‘di na napanonood pa ang “PNA”, pero wala ngang maisagot ang binata tungkol dito.
Dismayado nga ang fans ng show sa ‘di pagbibigay ng another season sa nasabing teen comedy-horror show na ito ng Singko na umabot lang sa Season 4.
Marami nga ang umaasa na maibabalik pa ito sa ere, lalo na’t marami-rami na rin ang talaga namang sumusubaybay rito at nage-enjoy na manood. Sigaw nga ng mga tagahanga ng nasabing palabas “Another season for #ParangNormalActivity!”

John’s Point
by John Fontanilla