Fans ng magandang young star, na-turn off sa butas-butas na secret ng kanilang idol! – Joey Sarmiento

ADVERTISING

Fans ng magandang young star, na-turn off sa butas-butas na secret ng kanilang idol! - Joey Sarmiento

Fans ng magandang young star, na-turn off sa butas-butas na secret ng kanilang idol! - Joey SarmientoGRABE. NA-TURN OFF to-the-max ang mga tagahanga ng maganda and sexy pa namang Kapamilya youngstar dahil sa mga butas sa kanyang face.

ADVERTISING

Yap. Very ma-PR ang youngstar sa kanyang fans. Hindi siya tumatangging magpakuha ng litrato kasama ang kanyang mga tagahanga.

At dahil du’n, nakita tuloy ng kanyang fans ang kanyang butas-butas na secret.

Concealer. ‘Yon pala ang kanyang tunay na secret kung bakit parang ang kinis-kinis ng kanyang face kapag malayo at kapag nasa TV.

ADVERTISING

Pero sa malapitan, e, wala na. Makikita mo talaga ang pagiging rough ng kanyang kutis.

Hindi bale. Kung kagandahan naman ng face ang pag-uusapan, e, talagang may laban ang young actress na ito ‘wag na nga lang hahawakan ang kanyang face para hindi makapa ang pagiging rough nito, hek,hek,hek!

Clue? Kung babaybayin n’yo ang alpabeto sa una, e, malalaman nyo na ang kanyang initials, baligtarin n’yo lang… getz???

NGAYON LANG NAMIN nalaman, book lover pala talaga si Dingdong Dantes. At kung meron siyang tatlong librong ire-rekomenda sa mga kabataan, ito ay ang “Mahiwagang Biyulin” at ang dalawang personal favorites niya, ang “The Unbearable Lightness of Being” at ang “Tuesdays with Morrie.”

At kung mabibigyan nga lang daw siya ng chance ngayong Christmas holiday, e, gusto niya sanang magbasa ng libro for three straight days…. walang eklat.

Siguro nga, hindi nagkamali ang National Bookstore sa pagpili sa kanya para maging spokesperson ng kanilang foundation at para impluwensiyahan ang mga pipol na mag-donate ng books para sa mga less fortunate dahil sa charisma ni Dong at sa kanyang pagiging well-read na rin.

Mero kayang libro para sa pagiging courteous at sa pagiging behave at any given time lalo na sa harap ng maraming tao? Kasi kung meron, isa-suggest sana naming kay Dong na regaluhan ng ganu’ng klaseng libro si Marian Rivera, hek,hek,hek!!!

MR. PERRY LANSIGAN is the one who handles Dingdong’s showbiz career right from the very start kaya naman whatever his ward are reaping right now, e, deserving naman siyang magkaroon ng share doon dahil hindi naman niya iniwan ang isa sa mga prized actors ng GMA-7 ngayon.

No wonder. This year, e, isa si Perry sa mga early givers ng Christmas blessings, inunahan pa nga ang GMA-7, ABS-CBN2 and TV5.

Kasama na rin siyempre ang iba niyang mga alagang sina Jolina Magdangal, Geoff and Gabby Eigenman.

Having been the executive producer of SOP for a very long time, e, iniwan na niya ito for good to concentrate on his new management company, ang PPL.

Sana nga, magtagal nang sobra ang kanyang relationship with his talents at pati na rin ang kanyang bagong management company. May your tribe… increase!

DAHIL SA PAGKAPANALO ni Sunshine Dizon as Best Actress in a Single Performance sa Star Awards for TV, hindi kaya biglang magbago ang lahat ng takbo ng kanyang showbiz career. Kahit anuman ang sabihin ng iba, prized possession si Shine kaya kahit na bumalik ito sa channel 7 o makuha ng channel 2, e, suwerte ang network dahil magaling na aktres si Shine. Sabi nga nila, hindi puwedeng lumubog ang araw sa isang magaling na aktres.

For reactions, please e-mail mediatouch2000@yahoo.com

Sour-MINT
by Joey Sarmiento

ADVERTISING