Fans ng Kimerald, OA!

Fans ng Kimerald, OA!

Fans ng Kimerald, OA!OLACHIKKA.. NAKU, HA! Nasosobrahan na ako sa pagka-OA ng fans nina Kim Chiu at Gerald Anderson. Halos pinuno ng  fans kuning-kuning ng dalawang hitad ang aking e-mail at kung anu-ano ang sinasabi. Kesyo idol na idol nila at ayaw na ayaw nilang maghiwalay ang tandem ng dalawa.

Hesus maryosep! Ewan ko lang kung true true ito pero may nag-e-mail pa at kesyo idol na idol daw ng isang ito sina Kim at Gerald. At dahil pinaghiwalay ang dalawa pansamantala after ng Tayong Dalawa ay hindi raw makatulog ang matanda at galit na galit sa pamunuan ng ABS-CBN. At dahil sa galit na ‘yun daw kung bakit na tsugi ang matanda. Kalerke, ha!

‘Nawindang ako at nasobrahan na yata ang fans ng dalawa. Kung fans kayo nina Kim at Gerald, ‘wag naman ganu’n ang ipadadala ninyo, ‘no! ‘Yung iba nga ay hindi na pwede mailagay dahil napakabrutal ng mga sinasabi. Ewan ko ba!

Hoy,  Kim and Gerald, kung may fans kayo pagsabihan n’yo naman. Naloka ako dahil ‘pag hindi raw ito makarating sa management ng ABS-CBN ay hindi raw nila ako titigilan.

Hoy, magsitigil nga kayo at wala akong panahon sa inyo, ‘noh! Ha! Ha! Ha! Awayin daw! Charot! Kaya kayong fans, pakilagay naman sa tama, okay? ‘Yun na!

Blind Item: Condom, naiwan sa puwerta ng sexy aktres

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding