Fans ng KathNiel, kinilig ng todo sa ‘accidental kiss’ sa ‘2 Good 2 Be True’

GABI-GABI pinapanood ang primetime at streaming ang ‘2 Good 2 Be True‘ na pinagbibidahan ng real-life couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na kilala rin bilang ‘KathNiel‘. Matagal hinintay ng kanilang loyal fans ang pagbabalik nila sa primetime kaya naman talagang tinututukan ito ng husto.

Fans ng KathNiel, kinilig ng todo sa 'accidental kiss' sa '2 Good 2 Be True'
Kathryn Bernardo and Daniel Padilla

Sa “Tension in Air” episode ng serye ay mixed emotions ang naramdaman ng mga manonood dahil naganap na sa wakas ang first kiss na ‘accidental’ nina Eloy (Daniel Padilla) at Ali (Kathryn Bernardo).

Aksidenteng nagkadikit ang mga labi ng dalawa habang sila ay nasa isang outing. Bago naman natapos ang episode ay muling hinalikan ni Eloy si Ali sa pisngi para magtago sa mga pulis na naghahanap sa kanya.

Pinatunayan ng mga tagahanga at manonood ang suporta sa KathNiel nang mag-trending nitong Huwebes ng gabi ang #2Good2SayGoodbye at 2G2BT Heartstopper sa Twitter Philippines. Number one din ang serye sa Top 10 list ng TV series at movies sa Netflix Philippines at sa Top 10 shows ng iWantTFC.

Dahil sa mga unexpected na pakilig na ito ay mas lalong kinakapitan ng audience ang programa.

Mapapanood ang advance episodes ng “2 Good 2 Be True” sa Netflix at iWantTFC. Mapapanood rin ito Lunes hanggang Biyernes, 8:40 ng gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, Jeepney TV, at Cinemo.

Previous articleAngeline Quinto, goal maging hands-on working mom
Next articleVLOG WATCH: Julia Barretto learns surfing in La Union!