Facebook account ni Kris Aquino, dinagsa! – Ogie Diaz

Facebook account ni Kris Aquino, dinagsa! – Ogie Diaz

MULA NU’NG I-ANNOUNCE ni Kris Aquino na meron na siyang facebook at pati ang kanyang name at email address ay kanyang i-announce sa SNN, eh, umabot sa 11,000 ang kanyang friend requests.

“Pasensiya na po kung paisa-isa lang ang accept. Tinutulungan na nga nila akong mag-accept, eh. Pero hayaan n’yo po, in three days time, eh, maa-accept ko na kayong lahat!”

Tama ito, Kris. Isang paraan ito para mabilang mo ang mga boboto ke Noynoy. He! He! He!

Facebook account ni Kris Aquino, dinagsa! – Ogie Diaz[ad#post-ad-box]

TRUE BA NA even Kuya Boy Abunda na kilalang endorser ni Sen. Manny Villar ay lilipat na raw kay Noynoy Aquino?

Well, kung kilala namin si Kuya Boy, hindi lahat sa kanya ay pera.  Mas nanaig din kay Kuya Boy ang friendship nila ni Kris at siguro, meron pang ibang dahilan.

At higit sa lahat, prinsipyo.

Si Willie Revillame, ang alam namin, super endorser talaga ni Sen. Manny Villar.  Every Sunday nga, meron na siyang out -of -town show, eh.  Mamimigay raw ng house and lot sa mga probinsiya.

So, sino pa nga ba ang namimigay ng house and lot, kundi si Sen. Manny Villar, ‘di ba?

Ang tanong:  magkano kaya ang “talent fee” ni Willie, ‘no?

Ito na kaya ang ipinambili niya ng jet?

Read Ogie Diaz’ Blind Item: Sexy actress, tumatable sa Guam

Oh My G!
by Ogie Diaz