Fabio Ide, responsible father sa anak nila ni Denise Oca

Fabio Ide, responsible father sa anak nila ni Denise Oca

Fabio Ide With Daughter and Denise Oca
Fabio Ide With Daughter and Denise Oca

Happy si Denise Oca at dumating ang Brazilian star ng GMA 7 na si Fabio Ide sa 2nd birthday ng anak nila last April 29 na isinagawa sa Active Fun & Party sa The Fort.

Actually, April 30 ang birthday ni Danielle Mikayla Ide (yes, pirmado ni Fabio Ide ang birth certificate ng anak), pero a day before ipinagdiwang ni Denise ang birthday ng bata.

Kung noon ay naging malaking issue ang relasyon nina Fabio at Denise, this time ay naayos na ng dalawa ang magandang set-up para sa mabuting kalagayan ng bata.

Isang responsible father si Fabio sa anak at maging ang current relationship ni Fabio na si Bianca Manalo ay mahal nito ang bata at okey sila ni Denise.

Sayang nga lang at wala si Bianca at hindi nakadalo sa party at nasa Bacolod City at that time.

Reyted K
By RK VillaCorta