Fabio Ide, nagbago ang lifestyle mula nang maging tatay

Fabio Ide, nagbago ang lifestyle mula nang maging tatay

Fabio-IdeNAGBAGO NA ang lifestyle ng Brazilian/Japanese model-turned TV host na si Fabio Ide nang maging daddy na siya.

Magmula kasi nang mapatunayan niyang siya nga ang tunay na ama ng baby ni Denise Oca (daughter ng actress na si Melissa Mendez), kaagad nang nagbago ang kanyang nakaugaliang buhay binata. Lahat daw ng kanyang ginagawa ngayon ay para sa kanyang anak na si Danielle.

“Mas naging mature na ako noong maging daddy na ako. Now, I always think of my daughter Danielle. Lahat ng kinikita ko from my work, it all goes to my daughter’s future.

“Kaya nga, kahit wala akong masyadong TV shows, except for the game show Dobol or Samting at Viva Channel, I am blessed to have invested in many businesses. I am part owner of Gramercy and Valkyrie. These are club that are doing very well. I’m also investing in other businesses pa. I just can’t rely everything sa showbiz because it’s such an unstable profession. I need to earn and work by other means. And I am thankful that mayroon akong mga naging investments.

“Lahat naman ‘yan is not just but for my daughter. I love my baby and I will do anything para magkaroon siya ng good future,” masayang pahayag pa ni Fabio.

Kararating lang ni Fabio from Brazil. Tatlong taon daw siyang hindi pa nakauuwi kaya nang magkita raw sila ulit ng kanyang pamilya ay ang kanyang anak na si Danielle ang kanilang pinag-usapan.

“They all love Danielle and they cannot wait to see her. Pag-uwi ko nga noong Christmas, there was this big Christmas tree, ang mga picture ni Danielle ang nakasabit doon. I am happy they immediately accepted my daughter. Lalo na ang parents ko kasi first grandchild nila si Danielle. They want to see her na and hopefully, when Danielle is a bit older. I can take her to Brazil. Or my parents can fly over here to see her.”

Right now, nagpapasalamat si Fabio na tahimik na raw mula sa kampo ni Denisse at sa kanyang girlfriend na si Michelle Pamintuan.

Ayon pa kay Fabio na medyo rocky raw ngayon ang relasyon nila ni Michelle.

“Ganoon naman kami ni Mitch. We have this unstable relationship. But I am happy na things are okey na with her and the family of Denise,” pagtatapos ni Fabio.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo